Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Manny Pacquiao at pamilya, pinuri ng mga taga Gen. San

Puring-puri ng mga taga Mindanao partikular ng mga taga-General Santos City ang pamilya Pacquiao lalo na si dating Senador Manny Pacquiao at asawa nitong si Jinkee.

Kahit ikinasal nga kamakailan ang panganay nilang anak na si Jimuel sa California, USA, hindi nakalimutan nina Manny at Jinkee na maghabilin at asikasuhin ang pagkalinga at pagbibigay ayuda sa mga kababayang nabiktima ng matinding lindol sa naturang lugar.

Hinangaan ng mga netizen ang pinag-uusapang pagtatagubilin ni Manny sa anak nitong si Michael Pacquiao, kasalukuyang City Councilor ng Gen. San, na isakripisyo nito ang pagdalo sa kasal ng kanyang nakatatandang kapatid sa America at asikasuhin ang mga constituents nila sa General santos City at iba pang mga kababayang nangangailangan ng tulong.

Ayon sa napag-alaman ng BISTADO mula sa mga common friends nina Manny at asawang si Jinkee mula sa hanay ng sports at showbiz, nagpa-organisa daw ang mag-asawa ng mga ‘relief operations drive at campaign’ para magbigay ayuda sa mga nasalanta ng lindol.

“Itinalaga nila ang anak na si Michael na marespeto namang sumunod at aktibong nakipag-coordinate at namuno sa mga grupo at kaibigan ng Pacquiao family,” bahagi ng statement na nakuha ng BISTADO.

Sa ngayon ay unti-unti ng nakakabangon ang Gen.San lalo’t naibabalik na ang mga serbisyo ng kuryente at tubig, ang pag-repair ng kalsada at mga na-damage na infrastructures kasama na ang operasyon ng airport at iba pang mga rescue at retrieval operations.

Tahimik at hindi na nga humaharap sa mga media at kamera ang grupo nina Michael upang ipagmayabang ang kanilang mga ginagawa kaya naman lalo silang hinangaan ng mga netizen at mga taong kanilang tinutulungan.

“Maganda ang pagpapalaki ng mag-asawa sa mga anak nila. Hindi lang sila mahuhusay at may pusong marunong tumulong at magpahalaga. Generous and humble pa,” reaksyon ng mga taga-Gen. San.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles