Matapos ang ika-10 season ng Tawag ng Tanghalan, ang ngayo’y kinikilalang most admired and popular singing competition sa bansa, pansamantala itong ipapahinga ng It’s Showtime.
Nagdesisyon ang pamunuan ng kilalang noontime show sa ABS-CBN na papagpahingahin muna nila ang naturang singing search na nakapag-produce na ng napakaraming mga kilalang singers sa ngayon.
“We are very grateful and thankful to our audience and supporters. At this point of time, we will give the segment a break to give way to other portions that also give fun, entertainment and world-class values to our viewers and patrons,” saad ng kausap ng BISTADO mula sa pamunuan ng It’s Showtime.
Ani pa ng source, “more than the competition and tv ratings war, we wish to fully utilize our resources and continue to develop and hone talents and artists from various sectors. Nag-full circle na kami sa pagkakaroon ng mga portions para sa mga bata, teenagers, students, common tao, mga misis, senior citizens, kasambahay, celebrities, LGBTQIA community and just everyone else.”
Sa pagpahinga daw for the meantime ng Tawag ng Tanghalan na noong dekada ’60 pa nagsimula, ibabalik nga daw ng programa ang isa pa ring most anticipated portion nilang “Ms. Q&A,” para sa mga LGBTQIA community.
“Nakaka-excite naman. Sa dami ng mga isyu ngayon sa gobyerno at iba pang nagaganap worldwide, masarap mapakinggan ang mga opinyon at kudaan ng mga ismarte at magagaling nating kafatid sa LGBTQA community,” tsika ng netizen.
Samantala, sa pagtatapos ng ika-10 season ng Tawag ng Tanghalan, nanalo si Yannie Paul Basical at nakagawa pa ng history bilang kauna-unahang winner na may “autism spectrum.” Siya ang representative ng Region lll.
Ang mga representatives ng Region Xll at Region 1 na sina Charlie Palalisan at Jeanel Silvestre respectively ang pumangalawa at naging third place kay Basical.
Nakapag-uwi ng P1 million cash prize si Basical at trophy designed by National Artist Toym Imao, a management contract with ABS-CBN, a recording contract under ABS-CBN Music, and two round-trip tickets to his chosen destination in Asia, Australia, or the Middle East.


