Nagtala si Chris McCullough ng 53 puntos at 22 rebounds upang pamunuan ang TNT kontra Barangay Ginebra, 98-90, at dalhin sa Game 7 ang PBA Season 50 Commissioner’s Cup finals nitong Linggo.
Sa harap ng 22,731 manonood sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, nakipagsabayan si McCullough kay Best Import Justin Brownlee.
Si Brownlee, na nanggaling sa career-best na 54 puntos sa Game 5, ay umiskor naman ng 52 para sa Ginebra.
Ang Game 7 ay gaganapin 7:30 ng gabi sa Miyerkules sa Mall of Asia Arena sa Pasay.
Kinailangan magtrabaho ng todo ni McCullough dahil hindi naglaro sina Calvin Oftana (calf strain) at Brandon Ganuelas-Rosser (ankle sprain). Napilayan din si Jayson Castro sa huling bahagi ng laro matapos ang masamang pagbagsak.
Nabura ng Ginebra ang 10-puntos na lamang ng TNT at umabante, 80-78, matapos ang 13-3 na ratsada sa pagsisimula ng fourth quarter.
Sumagot si McCullough ng dalawang malalaking tres at isang matinding four-point shot na nagbigay sa TNT ng 94-86 na kalamangan may 1:52 pang natitira.
Nagpasok pa siya ng isa pang tres upang gawing 96-88 ang iskor may 1:29 pa sa laro, na halos nagselyo na ng panalo.
Umiskor si Jordan Heading ng 19 puntos at nagdagdag si RR Pogoy ng 13.
Si McCullough, na ipinasok bilang kapalit ng nasugatang si Bol Bol, ay una nang tumulong sa kampeonato ng San Miguel Beer noong 2019 Commissioner’s Cup kung saan siya rin ang tinanghal na Best Import.
“I guess C-Mac got tired of Justin eating his lunch. Another 50-piece by Justin but C-Mac was able to stay in step with him and I think that’s basically the key,” ani TNT coach Chot Reyes.
“In our board, we put there ‘96 minutes’ encircled in a heart. We said let’s play the best 96 minutes of our lives — Game 6 and Game 7. And now, we’ve done the first half of that.”
Maliban kay Brownlee, walang manlalaro ng Ginebra ang umabot sa double figures. Si Troy Rosario ang pinakamalapit na may siyam na puntos. May anim si RJ Abarrientos at tatlo naman si Scottie Thompson.
Nasaktan ang Ginebra kay McCullough, pag-amin ni Ginebra coach Tim Cone.
“I’ll be the first to admit, McCullough was awesome tonight,” ani Cone. “He hit shots, we couldn’t control him all-game long. We challenged him from the outside, and he made the big shots from the outside. The last two shots he made, the three and the four, broke our backs.”
The scores:
TNT 98 – McCullough 53, Heading 19, Pogoy 13, Castro 3, Nambatac 3, Khobuntin 3, Galinato 2, Williams 2, Aurin 0.
GINEBRA 90 – Brownlee 52, Rosario 9, J. Aguilar 8, Abarrientos 6, Holt 5, Pinto 5, Thompson 3, Abis 2, Gray 0, Cu 0.
Quarters: 17-16; 45-43; 75-67; 98-90


