Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Iran isasara muli ang Strait of Hormuz matapos ang panibagong serye ng US strikes

TEHRAN, Iran – Inanunsyo ng Iran ang pagsasara ng Strait of Hormuz sa lahat ng barko matapos ang panibagong US strikes sa southern Iran, isang hakbang na muling nagpasidhi sa tensyon sa isa sa pinakamahalagang daanan ng langis at commercial shipping sa mundo.

Sa statement na ipinalabas ng Iranian state TV nitong Huwebes, sinabi ng Khatam al-Anbiya military headquarters na isinasara ang strategic waterway sa lahat ng traffic, kabilang ang oil tankers at commercial ships.

Nagbabala rin ito na “any movement” sa strait ay tatargetin.

Ayon sa Iranian military, ginawa ang desisyon dahil sa umano’y patuloy na “American aggression” at bagong US attacks sa southern Hormozgan province.

Iniulat ng Iranian media ang explosions, air defense activity, at airstrikes sa ilang bahagi ng southern Iran, kabilang ang Bandar Abbas, Minab, Jask, Qeshm, at Sirik.

Nauna rito, sinabi ng US Central Command na naglunsad ang American forces ng panibagong strikes laban sa multiple targets sa Iran.

“CENTCOM forces launched strikes on Iranian military surveillance capabilities, communication systems, and air defense sites across Iran. U.S. Marine Corps, Air Force, and Navy assets fired precision munitions on Iranian targets that posed a threat to U.S. forces and international commercial ships transiting regional waters,” ayon sa CENTCOM.

Sinabi ng CENTCOM na isinagawa ang strikes bilang tugon sa “Iran’s unwarranted and continued aggression,” at idinagdag na US forces remain “vigilant, lethal, and ready.”

Pero kinontra ng US ang pahayag ng Iran na tuluyan nang sarado ang Strait of Hormuz.

Ayon sa US Central Command, may commercial ships pa ring bumibiyahe “in and out of the Strait of Hormuz tonight.”

Itinanggi rin ng US ang claims na may US ships na tinamaan ng Iranian missiles at drones malapit sa strait.

“No U.S. warships have been struck in the Strait of Hormuz,” ayon sa US Central Command.

Kasabay nito, inako ng Iran ang attacks sa US-linked military targets sa Bahrain at Kuwait matapos ang panibagong US strikes.

Sinabi ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) na naglunsad ito ng drone strikes sa Sheikh Isa airbase sa Bahrain at sa Ali Al Salem at Ahmad Al-Jaber airbases sa Kuwait nitong Huwebes ng madaling araw.

Ayon din sa IRGC, dalawang oil tankers na nagtangkang “to illegally pass through the Strait of Hormuz” ang tinamaan.

Matapos ang claim ng Iran, sinabi ng Kuwait army na ang air defense systems nito ay nag-iintercept ng “hostile aerial targets.” Pansamantala ring isinara ng Kuwait ang airspace nito, habang ilang flights ang dini-divert.

Naglabas din ng air raid alert ang Bahrain at pinayuhan ang publiko na pumunta sa pinakamalapit na ligtas na lugar.

“The siren has been sounded. Citizens and residents are urged to remain calm and head to the nearest safe place,” ayon sa Bahrain interior ministry.

Ang pinakahuling palitan ng strikes ay kasunod ng paglala ng tensyon matapos ang downing ng US Apache helicopter sa Strait of Hormuz.

Noong Miyerkules, sinabi ng Iran na tinarget nito ang US Fifth Fleet sa Bahrain, Ali Al Salem airbase sa Kuwait, at isang airbase sa Azraq, Jordan. Sa panig ng US, binomba nito ang Qeshm Island at ang ports ng Sirik, Jask, at Bandar Abbas.

Ayon sa Tehran, sinira ng US attacks ang dalawang water reservoirs at napinsala ang isang telecommunications tower.

Sa White House, inakusahan ni US President Donald Trump ang Iran ng pagpapabagal sa peace negotiations.

“We’ll see what happens with the deal. We were really close to a deal. But they keep tapping us along. They keep playing us for suckers,” ani Trump.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Iranian President Masoud Pezeshkian na hindi dapat gawing target ang critical infrastructure.

“Critical infrastructures are the lifeblood of the people. Threats to target them – from transportation networks to the electricity and water industries – are not a show of strength but a sign of desperation in the face of a nation’s will,” ani Pezeshkian.

“Iran, relying on the knowledge and capabilities of its specialists, national unity, and solidarity, will stand firm against any pressure or threat,” dagdag niya.

Mahalaga ang Strait of Hormuz dahil dito dumaraan ang malaking bahagi ng global energy supply. Bago ang giyera, tinatayang one-fifth ng world’s energy supply ang dumaraan sa nasabing waterway.

Matagal nang limitado ang traffic sa strait mula nang magsimula ang conflict, dahilan para tumaas ang pangamba sa oil supply at presyo ng bilihin sa world market.

Sa ngayon, magkasalungat pa rin ang bersyon ng dalawang panig: iginiit ng Iran na sarado ang strait at tatargetin ang anumang dadaan, habang sinabi ng US na may commercial traffic pa rin at walang US warships na tinamaan.

As of posting, wala pang binabanggit ang gobyerno ng Pilipinas sa magiging epekto ng announcement ng Iran at ang muling pagtindi ng conflict sa nasabing rehiyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles