Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Cargo ship sumadsad sa Badoc, oil spill nililinis sa Ilocos Norte

ILOCOS NORTE – Naglunsad ang mga awtoridad ng containment at cleanup operations matapos magdulot ng oil spill ang cargo vessel na sumadsad sa baybayin ng Barangay La Virgen sa Badoc, Ilocos Norte noong Lunes.

Ayon sa Badoc Municipal Police Station, ang landing craft transport MSCI 1 ay may kargang construction aggregates na dadalhin sana sa Calayan Island nang makaranas ito ng rough sea conditions bago magbukang-liwayway.

Batay sa salaysay ng kapitan ng barko, pinasok ng malalakas na alon ang ballast tanks ng vessel, dahilan para tumagilid ito at magsagawa ng emergency beaching maneuver para hindi tumaob at para mailigtas ang crew.

Ligtas namang na-rescue ang lahat ng 15 crew members sa joint operation ng local residents, Badoc at Sinait Municipal Police Stations, Maritime Police, Philippine Coast Guard, at 2nd Provincial Mobile Force Company.

Natuklasan ng mga awtoridad ang oil spill bandang 3 p.m. noong Lunes.

Agad na nag-deploy ang Philippine Coast Guard ng oil spill containment booms para pigilan ang pagkalat ng langis at mabawasan ang posibleng pinsala sa coastal environment.

Ayon kay Police Master Sgt. Jackychan Cajigal, investigator ng Badoc Municipal Police Station, patuloy pang inaalam ng Department of Environment and Natural Resources ang lawak ng oil spill at posibleng epekto nito sa kalikasan.

Isinagawa rin ang multi-agency cleanup effort sa lugar.

Kabilang sa mga tumutulong ang Badoc local government, Provincial Environment and Natural Resources Office, Bureau of Fire Protection, Maritime Police, Philippine Coast Guard, at iba pang concerned agencies.

Noong Martes, June 9, sumali rin ang Marines ng Marine Battalion Landing Team-8 (MBLT-8), sa ilalim ng 4th Marine Brigade, sa oil spill response operations sa coastal waters ng Barangay La Virgen Milagrosa.

Ayon sa MBLT-8, nakipag-ugnayan ito sa Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, local government units, at iba pang ahensya para tumulong sa containment at mitigation operations.

Layunin ng operasyon na mabawasan ang environmental impact ng oil spill at maprotektahan ang mga apektadong coastal communities at mga marine ecosystem.

Patuloy din ang shoreline cleanup habang mino-monitor ng mga environmental official ang kontaminasyon at ang epekto nito sa marine at coastal resources.

Sa ngayon, pangunahing tutok ng mga awtoridad ang pagpigil sa pagkalat ng langis, paglilinis sa apektadong shoreline, at pagsusuri sa posibleng pinsala sa kabuhayan, komunidad, at kalikasan sa lugar. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles