Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Linda Walker, nasa bansa para sa “Balik-Eskuwela” program

Kagaya ng inaasahan, [pinagkaguluhan ang pagdating sa bansa ng Chinese star na si Zhang Yingfei, na higit na nakilala ng mga Pinoy sa hit micro-drama or vertical series na “The Heiress Who Won With Brains.”

Naging inspirasyon ng maraming mga pinoy na na-hook sa naturang socmed series dahil bukod sa very relatable ang istorya ng buhay ni Linda ay ginamit niya ang kanyang talino sa pag-aaral upang umasenso sa buhay.

Sa naturang micro-drama ay pinuri ang talino ni Linda na nakakuha ng 719 score sa isang mock exam at may IQ na 180 na isa sa mga plot twist ng naturang serye.

Biktima si Linda ng “baby-switching” kaya napunta siya sa isang mahirap na pamilya kahit na siya ang totoong tagapagmana ng mayaman niyang mga magulang.

Pero nang dahil sa kanyang katalinuhan at nang madiskubreng siya ang totoong heredera, muli siyang kinuha ng tunay niyang pamilya. Subalit hindi ito naging madali dahil napamahal na din at nakuha na ng inakalang “anak” ang loob at pagmamahal ng kanyang pamilya at mga kapatid.

Sinubaybayan at minahal ng maraming mga pinoy ang naturang series dahil sa pinoy na pinoy umano ang mga pangyayari sa kuwento.

Ang organisasyon ng FFCCCII na  Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII).ang nagdala sa Chinese star para sa kanilang programa at kampanyang “Balik-Eskuwela.”

Ayon sa PR member ng grupo na si Mr. Wilson Flores, very inspiring at perfect timing na nag-umpisa na ang school calendar sa bansa sa pag-imbita nila kay Yingfei.

Naghanda ang FFCCII ng mga activities para kay “Linda Walker” kasama na ang pagbisita sa ilang historical sites sa Metro Manila, TV at social media podcast guesting at pag-courtesy call sa mga lungsod ng Manila, Quezon City at ilan pang karatig lugar para sa naturang kampanya sa edukasyon.

Mayroon din silang espesyal na pakikipag-ugnayan sa Department of Education na naghanda din ng isang malaking ‘fan meet’ bukas, June 10 na magaganap sa SM North Edsa Sky Garden.

Samantala, inilarawan naman ng mga sumalubong sa Chinese star na isang mabait, masayahin, maganda at kinakitaan ng pusong pinoy ang sikat na socmed star mula sa China.

Viral pa rin hanggang sa ngayon ang pagdating niya sa bansa maging ang mga naging pagbisita niya sa It’s Showtime at iba pang programa sa TV.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles