Sa panahong tila araw-araw tayong binabaha ng balita tungkol sa korupsiyon, sabwatan, at kawalan ng hustisya, malinaw ang isang bagay: hindi sapat ang tahimik na panonood. Kailangan ang mas matapang na paghalungkat. Kailangan ang masinsing pagbubunyag. Kailangan ang tuloy-tuloy na pambibisto at paghubad sa katotohanan.
Dito pumapasok ang Bistado.ph.
Baka may magsabi, may gumagawa na niyan. May nagbabalita naman. Pero balikan ninyo ang maraming ulat ngayon. Napakalayo ng lenggwahe sa simpleng tono ng taumbayan. Napakahirap intindihin. Napakahirap malasap. Para bang ang balita ay para lamang sa may oras magbasa ng mahahabang paliwanag at teknikal na salita. Samantalang ang tama at malinaw na impormasyon ay dapat abot-kamay ng lahat.
Ito ang pangako ng Bistado.ph: bubusisiin ang mga isyu at ibabalita sa paraang kayang intindihin ng madla. Walang pagmamataas. Walang pagyayabang. Salitang kalyeng ang laman ay katotohanan. Hindi namin ibababa ang pamantayan. Itataas namin ang pag-unawa.
Pinagsasama namin ang tapang ng klasikong tabloid at ang disiplina ng modernong newsroom. Mabilis, pero may beripikasyon. Direkta, pero may pananagutan. Hindi kami naniniwala sa ingay lang. Sa amin, may ebidensya ang akusasyon, may datos ang istorya, at malinaw ang paghihiwalay ng balita at opinyon.
Saklaw namin ang balita, opinyon, showbiz, lifestyle, at sports. Araw-araw, on time, at may linaw kung ano ang fact at ano ang pananaw. May puwang din ang publiko dito, dahil maraming expose ang nagsisimula sa tapang ng ordinaryong mamamayan na nagsabing, “May mali rito.”
Kung may tinatago, ilalabas.
Kung may lihim, sisilipin.
Bistado.ph — Buking lahat ng lihim!


