Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ellen Adarna, nagmistulang “fan” nina John Lloyd Cruz at nobyang si Isabel Santos

Marami ang nagsasabing tila nainggit kung hindi man ay nagsisisi itong si Ellen Adarna sa sweetness ng pagmamahalan nina John Lloyd Cruz at gf nitong si Isabel Santos.

Sa ikalawang pagkakataon kasi ay muling nakipag-bonding si Ellen, kasama ang mga anak niyang sina Elias at Lilly, sa mag-bf-gf sa Boracay kamakailan.

Although hindi ito ang unang beses na magkakasama silang nag-enjoy sa tila family gathering with their close friends and relatives, ito naman daw ang unang beses na naging mas very vocal at showy si Ellen sa kanyang emotions towards the couple.

Sa socmed post nga ni Ellen ay panay papuri ang ipinukol nito sa dating bf at ama ng kanyang anak na si Elias, at higit sa nobya nitong si Isabel na tinawag pa niyang “the best stepmom.”

Sa isa sa mga huling IG Stories ni Ellen, nagpahayag siya ng pasasalamat kay Isabel dahil sa kabutihan nito sa kanya at sa kanyang mga anak.

Kalakip nito ang litrato nila na may caption na (published as is), “Eh un iniyakan kita for being the best stepmom mahal kita! @isabelreyessantos.”

Agad naman itong ni-repost ni Isabel sa kanyang sariling IG Stories at nagpasalamat din kay Ellen sa pagiging mabuti nitong kaibigan.

Saad niya (published as is), “Love youuu, thank you for being a friend and everyday textmate.”

Sa nasabing Boracay island fun ay makikitang nag-enjoy ang mga anak ni Ellen sa paliligo sa dagat, pag-kayak at iba pang outdoor activity na kasama sina Lloydie at Isabel.

Sa isang bahagi din ng socmed stories nila ay mapapanood naman ang pag-sing-along nila at kung paanong kinilig si Ellen sa tila panghaharana ni Lloydie sa girlfriend na mukhang “kinainggitan” ni Ellen, kundi man daw ay pinang-hinayangan, ayon sa mga netizen.

Sa halos ‘blow by blow’ posts daw ni Ellen sa mga bonding time nila, marami tuloy ang nagsasabing nagmukha na lang “fan” ang dating sexy actress ng magkasintahan dahil kilig na kilig ito sa mga nasasaksihan niyang sweetness, lambingan, turingan at pag-PDA nina Lloydie at Isabel.

Marami din ang pumuri sa kakaibang “blended family set up” nila na sana daw ay manatili at makalakihan ng mga bata para matawag daw na may mga buo at extended family members sila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles