Maraming netizen ang naniniwala na sadyang nagsisipag ang PR team ngayon ni Heart Evangelista upang higit itong gawing “visible” sa kanyang mga showbiz ganap.
Dahil nga sa may bagong show na ang kilalang fashion icon sa GMA 7 na isang game show, halos lagi itong may publicity material na kinokonek at inia-a-associate sa aktres.
Nandiyan na yung mga guesting niya sa mga talk shows ng Kapuso network kung saan maraming mga “lumang isyu” ang tila muling nabubuksan nang dahil sa takbo ng diskusyon.
Gaya na lang daw ng isang tanong na ipinukol sa kanya ng Fast Talk host an si Kuya Boy Abunda hinggil sa pagkakataon dati na siya itong gumagastos sa dati niyang karelasyon.
Paraan niya daw ito ng pagpapakita ng pagmamahal sa kanyang mga naging karelasyon.
Saad niya: “That’s my language of love. That’s always been my language of love.
“I’m very, very giving. I’m very generous.I did have one boyfriend that I felt was not too proper. I didn’t like it. There is something [about him] that left a bad taste in my mouth.Just one, I won’t say who.”
Bagama’t hindi niya pinangalanan ang dating nobyo, ibinahagi ni Heart na dumating sa puntong pakiramdam niya ay siya ang umaako sa halos lahat ng gastusin sa kanilang relasyon.
Ani Heart, “Parang, I felt like, ‘Okay, I feel like I’m a sugar mommy na,’ parang ganyan.”
Hiniritan naman siya ni Boy na magbigay ng clue tungkol sa pagkakakilanlan ng tinutukoy niyang ex-boyfriend.
Natatawang sagot ni Heart, “They’re all good-looking.
“Mabait naman [siya], baka kailangan lang talaga niya. Extra help.”
Sa napag alaman ng BISTADO, si direk John Pratts ang unang naka-relasyon ni Heart na taga-showbiz. Sinundan ito ni John Lloyd Cruz, then si Jericho Rosales. Nagkaroon siya ng kaugnayan sa isang non-showbiz guy, bago niya naging boyfriend si Daniel Matsunaga.
After ni Daniel ay na-link na siya kay Sen. Chiz na eventually ay naging asawa niya.
Maraming netizen ang humula sa kung sino umano yung lalaking diumano’y ginawang “sugar mommy” ang katres-host.
Meanwhile, matindi din ang naging bashing ngayon kay Heart dahil na rin sa kinasasangkutang sitwasyon ng Senador niyang asawa.
Ayon sa ilang netizen, “Heart’s PR team working real hard. Strategy is to bring her back to her roots, to what people loved about her when she was still young, fresh and innocent.”
Dagdag pa ng ilan, “Heart reunites with Angge (Angelica Panganiban) , then John P…. sino na next?? mga di naman yan invited nung wedding niya, pero now gamit na gamit for good publicity.”
May nagpa-alala naman, “nalala ko abay pa niya halos lahat ng leading ladies ng GMA pero ni isa doon hindi na niya close friend like Lovi (Poe) na bff niya noong time na kinasal siya.”


