Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BINI Aiah, dinenay si Kyle Echarri

Maraming Blooms and supporter ni BINI Aiah ang naniniwalang wala talagang namamagitan sa kanilang idolo at sa sikat na young actor na si Kyle Echarri.

Sa nag-viral na photos ng dalawa kamakailan, makikitang magkasabay na sumakay ng eroplano ang dalawa at kalauna’y may mga litratong nasa Cebu na sila kasama ang ilan pa nilang mga kaibigan sa isang beach.

“Merely coincidence. Pumunta sila sa parehong event at nagkataon na nagkita sila sa airport (sa Cebu) at nagkasabay sila sa plane,” dagdag na paliwanag ng mga tagahanga ni Aiah.

Ang sinasabing event sa Cebu City ay kaugnay ng pagsasama-sama ng ilang content creators, internet personalities, at digital influencers sa bansa.

 “Kyle and I are friends and kapwa Cebuanos so no malice po,” bahagi ng post ni BINI Aiah sa kanyang socmed account.

Sa walong members ng tinaguriang mga reyna ng all girl-group na BINI, isa si Aiah sa madalas na pinag-uusapan ang isyu sa lovelife.

Bago pa itong isyu sa aktor na si Kyle, naugnay na rin ang pangalan ni Aiah sa PBA player na si Caelan Tiongson ng Rain or Shine Elasto Painters.

Noong 2025 ay nag-viral ang panonood ni Aiah ng game ni Caelan sa PBA at marami nga ang nagsapantaha na may something sa kanila.

Walang kumpirmasyon o denial na inilabas ang parehong kampo dahil ayon nga sa mga bali-balita, mahigpit umanong ipinagbabawal sa noo’y sumisikat ng grupo ang magkaroon ng “lovelife” ang mga BINI members.

Basta ang lumabas lang na balita noon sa dalawa ay magka-churchmate lang sila. 

Dahil sa recent na pag-link kay Aiah sa aktor na si Kyle at pag-deny dito ng dalaga, marami ulit ang naniniwalang marahil o baka nga talaga ay mayroon na silang espesyal na ugnayan ng PBA cager na si Caelan.

“Hindi naman siguro siya mag dedeny ng ganun at sasabihing friends lang at kapwa niya lang taga-Cebu si Kyle kung wala pa siyang ka-relasyon noh? Or at least mas may espesyal na lalaki sa buhay niya noh?.” analisa ng mga netizen.

Samantala, wala namang ipinahayag na anuman ang guwapong aktor-singer sa pinag-uusapang kaugnayan nito sa BINI member.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles