Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

160 pamilya lumikas dahil sa sagupaan ng armadong grupo sa SGA-BARMM

COTABATO – Nasa 160 pamilya ang lumikas sa Barangay Malingao, Kadayangan, sa Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (SGA-BARMM) matapos magsagupaan ang mga armadong grupo nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Barangay Malingao chairperson Norodin Dilangalen, mahigit 800 residente ang umalis sa kanilang mga bahay bandang 9 p.m. habang nagpapalitan ng putok ang hindi pa natutukoy na armed groups sa lugar.

May isang sibilyan umanong tinamaan ng stray bullets, pero patuloy pa itong bineberipika ng pulisya.

“It happened in the same area of Purok 4, Barangay Malingao, when four people were killed last June 2 in a gun attack linked to the illegal drug trade,” ani Dilangalen sa radio interview nitong Biyernes.

Ayon kay Dilangalen, posibleng pareho ang mga taong sangkot sa Thursday night skirmishes at sa June 2 gun attack.

“The individuals involved in Thursday night’s skirmishes could be the same people involved in the June 2 gun attack,” dagdag niya.

Matapos ang insidente, nagsagawa ng clearing operations sa barangay ang Kadayangan Municipal Police Station at mga sundalo mula sa 33rd Infantry Battalion.

Tinutugunan naman ng Ministry of Social Services and Development ng BARMM ang agarang pangangailangan ng displaced families.

Namamahagi ang MSSD-BARMM ng food packs at iba pang non-food items sa mga lumikas na residente.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga armadong grupo at kung direktang konektado ang panibagong putukan sa June 2 gun attack sa parehong lugar. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles