Naging Tropical Depression Ester na ang low-pressure area na nasa northwest ng Batanes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes.
Sa 5 a.m. bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ni Ester sa layong 225 kilometers west of Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 55 kph.
Kumikilos si Ester northeastward sa bilis na 20 kph.
Dahil dito, itinaas ang Signal No. 1 sa Batanes, kung saan inaasahan ang strong winds.
Ayon sa PAGASA, makararanas ang island province ng pag-ulan na may kasamang pagbugso ng hangin dahil kay Ester.
Samantala, ang Ilocos Region, Abra, Benguet, at Zambales ay makararanas ng occasional rains dahil sa southwest monsoon o habagat.
Karamihan din ng Luzon ay posibleng tamaan ng strong to gale-force gusts dahil sa habagat.
Magiging maalon naman ang karagatan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Dahil dito, pinayuhan ng PAGASA ang mga mariners ng small sea craft, kabilang ang lahat ng uri ng motorbanca, na huwag munang pumalaot.
Ayon sa weather bureau, inaasahang magpapatuloy si Ester sa paggalaw northeastward at posibleng mag-landfall sa southwestern coast ng Taiwan ngayong Friday.
Pagkatapos nito, kikilos pa rin ito sa pangkalahatang northeastward at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Saturday.
Patuloy na pinapayuhan ang mga residente sa Batanes at iba pang apektadong lugar na bantayan ang susunod na weather bulletins, lalo na sa posibleng pag-ulan, malalakas na bugso ng hangin, at delikadong kondisyon sa dagat. /Bistado


