Kinagiliwan ng maraming netizen ang mga photos na mismong pinost ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa kanyang socmed.
Nagmistula daw kasing paparazzi at Marites ang butihing Mayor ng San Juan City dahil tila nakumpirma ng naturang mga photos ang relasyon ngayon nina Atasha Muhlach at Jacob Ang.
Nakuhanan ang naturang mga photos sa kasal ng kapatid na babae ni Jacob.
Si Jacob ang napapabalitang boyfriend ngayon ng unica hija nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha at kakambal nga ni Andres.
Samantalang si Jacob naman ang anak ng top honcho ng San Miguel Corporation at nagsisilbi rin ngayong “assistant” ng kanyang amang si Sir Ramon S. Ang.
Si Ramon S. Ang ang kasalukuyang chief executive officer at Chairman ng San Miguel Corporation.
Si Jacob din ang sinasabing tagapagmana ng iba pang mga kumpanya ng ama, kasama ang bagong kasal na kapatid.
Sa mga kuhang larawan ni Mayor Zamora, kitang-kitang close at komportable sa isa’t isa sina Atasha at Jacob.
Makikita din sa post ng Mayor na naka-publiko na sa ngayon ang tila very sweet na paghawak at pag-akbay ni Jacob kay Atasha. May kuha ding nakasandal naman ang magandang aktres sa mga bisig ni Jacob.
Nakipag-selfie pa si Mayor na halatang kinilig din sa kanyang nasaksihan.
Matatandaang noong nakaraang taon pa nauugnay sina Atasha at Jacob at sa katunayan nga ay may mga pagkakataong nagkakasama-sama ang mga pamilya nila sa ilang “family gatherings.’
Sa isang 2025 interview, inilarawan ni sir Ramon Ang si Atasha bilang “a very nice lady.”
Base sa napag-alaman ng BISTADO, maraming hinahawakang posisyon si Jacob sa negosyo ng kanyang amang business tycoon.
Sa May 2025 cover story ng Esquire, binanggit na si Jacob ay special assistant to the chairman ng SMC.
Director at chief planning officer din ang 25-anyos ng Velocita Motors Inc., na official importer, dealer, at distributor ng Ferrari sa Pilipinas.
May mga ulat din na si Jacob ay may posisyon sa BMW Philippines dahil sa koneksyon niya sa SMC Asia Car Distributors Corp, na importer, distributor, at service provider ng kilalang German car manufacturer.
Habang ang 24-anyos namang si Atasha ay nagtapos with honors na may degree sa Business sa Nottingham Trent University sa UK, London bago niya matagumpay na pasukin ang showbiz bilang isang sikat na TV host, actress at recording artist.


