Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P12.4M smuggled goods nasabat ng PNP sa nationwide ops

Mahigit P12.4 million halaga ng smuggled goods at iba pang kontrabando ang nasamsam ng Philippine National Police (PNP) sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations sa bansa noong June 3.

Ayon sa PNP, isinagawa ang mga operasyon katuwang ang mga partner na law enforcement at regulatory agencies bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa smuggling.

Sa Cebu, nasabat ng mga operatiba sa Medellin ang illegally transported wildlife species na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P3.5 million.

Arestado ang isang indibidwal, habang itinurn over sa Department of Environment and Natural Resources ang mga wildlife items para sa tamang handling at rehabilitation.

Sa Bukidnon, naharang sa checkpoint operation ang smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng mahigit P2.4 million. Dalawang indibidwal ang naaresto.

Sa Zamboanga City, isa pang operasyon ang nagresulta sa pagkakakumpiska ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P2.9 million.

Sa BARMM area, nakasabat ang law enforcement units ng malaking volume ng smuggled cigarettes na tinatayang lampas P1.2 million sa isang late-night operation.

Sa Pasig City, nagpatupad ang mga awtoridad ng search warrant na nauwi sa pag-aresto ng mga suspek at pagkakakumpiska ng assorted imported appliances na nagkakahalaga ng mahigit P2.2 million dahil sa umano’y paglabag sa consumer protection laws.

Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na magpapatuloy ang kampanya laban sa illegal activities

“Patuloy po ang ating operasyon laban sa mga iligal na gawain. We are serious in making sure that laws are enforced consistently and fairly. Sa ating mga kababayan, makakaasa po kayo na tuloy-tuloy ang ating trabaho para mapanatili ang kaayusan at protektahan ang ating ekonomiya at kalikasan,” saad ni Nartatez.

Ayon sa PNP, layunin ng operasyon na palakasin ang border control, protektahan ang consumers, at pangalagaan ang natural resources ng bansa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles