Sabay-sabay na binasag ng mga senador, kongresista, ng Malacañang, at Makabayan bloc ang mga alegasyon ng umano’y cash deliveries ng tinaguriang “18 ex-Marines” sa kontrobersyal na Senate flood control hearing ngayong Huwebes, na tinawag ng mga kritiko na “bogus,” political demolition job, at pagtatangkang ilihis ang usapan mula sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Nadagdagan ang kalituhan dahil nagbanggaan ang dalawang bersyon sa Senado. Matapos ang leadership shakeup, si Sen. Erwin Tulfo ang bagong chair ng Blue Ribbon Committee at may notice na ipinagpaliban ang June 4 hearing tungong Lunes, June 8.
Pero iginiit ng kampo ni dating Senate President Alan Peter Cayetano na tuloy pa rin ang June 4 hearing. Sinabi ni Cayetano na siya pa rin ang “legitimate, legal, and moral Senate President,” habang ang Blue Ribbon Committee sa ilalim ng kanyang liderato ay pinamumunuan pa rin umano ng kapatid niyang si Sen. Pia Cayetano. Dahil dito, tinawag ng bagong Senate majority ang natuloy na pagdinig bilang hindi awtorisado.
“What we are seeing is a naked grab for power dressed up as inquiry and oversight. It is nothing more than a self-serving spectacle meant to cling to positions they have already lost in a valid and constitutional reorganization of the Senate,” ayon sa bagong majority bloc.
“They have refused to attend legitimately called sessions. Now, they are grandstanding in an unofficial and unauthorized gathering,” dagdag pa nila.
Sa nasabing hearing na pinangunahan ni Sen. Rodante Marcoleta, inulit ng ilang umano’y dating Marines ang mga claim na naghatid sila ng mga maleta at cash-filled luggage sa ilang public officials mula umano sa opisina ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Unang pumalag si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III matapos banggitin sa testimony na may delivery umano sa kanyang building sa Baclaran at tinanggap ng assistant na “Mark.”
“I said that back then. I will not dignify such because I was not a senator from 2022 to 2025. The name they mentioned as my EA (executive assistant) who was appointed was Mark. Mark died in 2015,” sabi ni Sotto sa mensahe sa reporters.
Mariin ding itinanggi ni Sen. Erwin Tulfo ang claim na dalawang beses siyang pinadalhan ng luggage sa kanyang bahay sa Greenhills.
“It is a lie, a blatant lie. They can’t answer what the purpose was, where the suitcase came from… Aren’t they specifying? Clearly, a deception. Clearly, a lie,” ani Tulfo sa isang interview.
“I don’t even have allocables,” dagdag niya.
“My name is also not in the GAA (General Appropriations Act) because I didn’t get any project in 2022, 2023, 2024, 2025. I didn’t get a dime. How can they say it’s a payment for flood control?” sabi pa niya.
Pati Malacañang, hinamon ang mga nag-aakusa na magpakita muna ng ebidensya matapos may claim na naghatid umano ng maleta ng pera sa Paoay residence ni President Ferdinand Marcos Jr.
“Let them show the evidence first. It’s easy to point fingers. Especially if your real intention is just to destroy things and act as an obstructionist or destabilizer,” ani Palace Press Officer Claire Castro.
“So, they should prove it, give us documents and not just words,” dagdag niya.
Sa Kamara, sinabi ni Deputy Speaker Paolo Ortega V na malinaw umanong ginagamit ang hearing para siraan ang House of Representatives at pahinain ang impeachment case laban kay Duterte bago pa magsimula ang trial.
“What we are witnessing is an obvious attempt to discredit the House of Representatives as an institution and undermine the credibility of those tasked by the Constitution to prosecute the impeachment case against Vice President Sara Z. Duterte,” ani Ortega.
“Before the impeachment court can even convene, before a single witness can testify, and before a single piece of evidence can be formally presented, an effort is already underway to poison public perception against the House and the officials who will participate in the impeachment process,” dagdag niya.
“Hindi pa nagsisimula ang paglilitis, pero tila may hatol na agad laban sa mga mag-uusig. Kapag hindi kayang sagutin ang ebidensya, sisiraan na lamang ang mga maghahain nito,” sabi pa ni Ortega.
Diretsong itinanggi naman ni House trial spokesperson Zia Alonto Adiong ang alegasyong may tinanggap siyang maleta, pera, o anumang bagay.
“Unang-una, I categorically deny all their accusations against me. Wala akong tinanggap na maleta, pera, o anumang bagay mula kaninuman, at wala rin akong pinulot kahit saan,” ani Adiong.
“Naniniwala ako na ang mga paratang na ito ay sadyang ginawa upang maging distraction mula sa aming mahalagang konstitusyonal na tungkulin, ang papalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte,” dagdag niya.
Tinawag din niya ang hearing na “political theater.”
“Isang malinaw na political theater at pamumulitika ang palabas na ito. Ang listahan na binasa ay walang iba kundi isang desperadong pagtatangka na makalikha ng ingay, mapatahimik ang mga tunay na boses ng accountability, at ilihis ang Kongreso sa tamang landas,” sabi ni Adiong.
Si House prosecutor Terry Ridon, na nadawit din sa testimony, ay mariing ding itinanggi ang claim.
“Kasinungalingan ang testimonya ni Jowly Cadiao. Walang maleta na idineliver sa akin sa kahit anumang panahon o sa kahit saan mang lugar,” ani Ridon.
“Tandaan: Tuloy ang impeachment trial. Walang kasinungalingan o gawa-gawang testimonya ang makapipigil sa House prosecution panel na magtuloy sa paglalahad ng katotohanan sa paglilitis ng Pangalawang Pangulo,” dagdag niya.
Si dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers naman ay nagsabing sa korte dapat magpaliwanag ang mga testigo.
“Sa korte na lang kayo magpaliwanag,” ani Barbers.
“That’s incredible! This is the tone now being sung by these people. Imagine their statements as to the source of the alleged payout money. Not a single one of them ever saw nor touched the alleged money. All they are saying are maletas, paper bags and envelopes. Any lawyer worth his salt will never dignify such story-telling-a-lie by any witness. I hope that the proper courts are taking note of this charade in the name of justice,” dagdag niya.
Tinawag naman ng Makabayan bloc ang hearing na demolition job laban sa progressive leaders at dating Makabayan representatives.
“Sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa liderato ng Senado, nakababahala na may mga pagdinig na itinutulak sa ilalim ng kaduda-dudang awtoridad at pagkatapos ay ginagamit upang magpakalat ng mga alegasyong walang sapat na ebidensya. Kahiya-hiya sa mamamayan ang isang hearing na batbat ng tsismis, haka-haka, at pampulitikang agenda,” saad ng joint statement nina Reps. Sarah Elago, Antonio Tinio, at Renee Co.
“Ang ipinresentang ‘ebidensya’ ay hindi ebidensya kundi puro kwento, insinuation, at tahasang kasinungalingan,” dagdag ng bloc.
“Muli, mariin naming pinabubulaanan ang anumang pagtatangkang iugnay ang Makabayan sa flood control scandal. Walang flood control projects, infrastructure allocations, o project insertions ang Makabayan, kaya wala ring anumang kickback na maaaring matanggap,” giit nila.
“The Senate should get its house in order. Ang mga pasilidad at pondo ng bayan ay hindi dapat ginagamit para sa mga bogus na hearing, bogus na testigo, at bogus na ebidensya,” dagdag ng Makabayan bloc.
Para kay Ortega, hindi dapat malihis ang publiko sa pangunahing usapin: ang Articles of Impeachment laban kay Duterte at ang ebidensyang ihaharap sa tamang forum.
“The real issue remains the same: the serious allegations contained in the Articles of Impeachment and the evidence supporting them. No amount of political theater can change that. No amount of character assassination can erase documentary evidence,” ani Ortega.
“And no amount of diversion can prevent the truth from emerging in the proper constitutional forum,” dagdag niya. /Bistado


