Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Tatay mo karton!: Trending na sayaw, umarangkada sa gitna ng ICC hearings

Habang seryoso ang eksena sa ICC pre-trial hearings ngayong linggo, iba naman ang ganap sa TikTok. Biglang umarangkada ang “tatay mo karton” dance challenge at pinuno ang feed ng mga netizen.

Sa mga kumakalat na video, makikita ang mga content creator na sumasayaw habang paulit-ulit ang catchy na linyang “Tatay mo karton, tatay mo karton, ilalagay sa garapon.” Simple lang ang steps. May turo, may pitik, may pa-cute na ikot. Pero ang hugot, halatang may patama.

Marami ang nagsasabing patama ito sa life size cardboard cutout ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na madalas bitbit ng kanyang supporters sa mga rally. Yung full-sized na Digong na naka-print sa karton at itinataas sa crowd, yun ang ginawang punchline ng sayaw. Kaya habang may mga nagtitipon sa labas ng ICC, sa social media naman, sayaw ang sagot ng netizens!

Hindi malinaw kung sino ang unang nag-upload ng kanta o gumawa ng original choreography. Pero gaya ng maraming viral trends, mabilis itong kinagat ng TikTok community. May mga remix na agad. May mga duet. May slow mo version pa.

Para sa ilan, comic relief ito sa gitna ng mabigat na balita. Sa comment section, halo-halo ang reaksyon. May tumatawa. May natatawa pero may patama. May loyalists na hindi natuwa. Pero isang bagay ang sigurado, umabot na sa libo-libong views ang hashtag at patuloy ang pagdami ng sumasabay sa challenge! /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles