Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ilang tulog na lang, pasukan na ulit sa June 8!

Dahil nalalapit na ang June 8 opening of classes sa mga public school sa buong bansa, inatasan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Education (DepEd) na tiyaking handa ang mga paaralan sa pagbabalik ng mga estudyante.

Sa National Capital Region kickoff ng Brigada Eskwela 2026 sa Kapitbahayan Elementary School sa Navotas City nitong Martes, sinabi ni Marcos na alam na ng DepEd ang kailangang gawin at dapat tutukan ang paghahanda ng mga eskwelahan.

“Kung may instruction man ako, tiyakin nila na handa sa pagbubukas ng eskwela, ng klase para naman hindi nabibitin ang mga bata, tuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral,” ani Marcos.

Ayon sa Pangulo, nakatutok ang pamahalaan sa pagpapabuti ng school facilities at pagtiyak na ligtas at maayos ang learning environment ng mga estudyante.

Pinangunahan ni Marcos ang paglulunsad ng Brigada Eskwela 2026 kasama si Education Secretary Juan Edgardo Angara.

Tema ngayong taon ang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.”

Ang Brigada Eskwela ay nationwide school maintenance drive na tatakbo mula June 1 hanggang June 5.

Layunin nitong pakilusin ang teachers, parents, local governments, private organizations, at volunteers para ihanda ang mga paaralan bago magsimula ang School Year 2026-2027.

Sa pagbisita sa Navotas, ininspeksyon ni Marcos ang ginagawang classroom preparations at school safety facilities.

Kabilang sa paghahanda ang paglilinis, pagkukumpuni, pagpipintura, at iba pang maintenance work sa mga paaralan.

Para dagdagan ang manpower, tinapik ng administrasyon ang beneficiaries ng Department of Labor and Employment (DOLE) Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Nauna nang sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino na nasa 240,000 TUPAD beneficiaries ang ide-deploy sa humigit-kumulang 5,000 schools nationwide.

Tutulong sila sa painting, cleaning, repairs, at maintenance work sa mahigit 200,000 classrooms.

Isasagawa ang hakbang katuwang ang DepEd at parent-teacher associations para matiyak na handa ang mga eskwelahan kahit papasok na ang tag-ulan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles