Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Big-time rollback sa langis ipatutupad ngayong unang linggo ng June

Malaking bawas-presyo sa petrolyo ang sasalubong sa mga motorista ngayong unang linggo ng June, matapos ang ilang linggong taas-presyo sa pump prices.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin sa media briefing, bababa ang presyo ng diesel ng hindi bababa sa P9.26 kada litro simula Martes.

Ang gasolina naman ay magkakaroon ng minimum rollback na P4.76 kada litro, habang ang kerosene ang may pinakamalaking bawas na hindi bababa sa P10.86 kada litro.

Ayon kay Garin, papalapit na ang presyo ng petrolyo sa pre-war levels matapos ang matinding pagtaas noong kasagsagan ng tensyon sa Middle East.

Sinabi niya na ang Pilipinas ay “going closer” sa pre-war levels sa pump prices.

Matatandaang umabot sa hanggang P170 kada litro ang fuel prices sa Metro Manila sa gitna ng bombing attacks sa Middle East, kung saan nasira ang energy infrastructure at nagsara ang Strait of Hormuz.

Dahil sa rollback, mababawasan ang gastos ng private motorists, public utility vehicle drivers, delivery riders, at iba pang gumagamit ng fuel sa araw-araw na biyahe at trabaho.

Inaasahang ipatutupad ang bagong presyo sa Tuesday, kasabay ng regular na weekly fuel price adjustment.

Dahil minimum rollback pa lamang ang inihayag, maaaring magkaiba ang eksaktong bawas depende sa oil company. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles