Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dolly Anne Carvajal, may payo kay Sen. Migz Zubiri

Ayon sa panganay na anak ni Ate Luds aka Inday Badiday na si Dolly Anne Carvajal, isang award-winning entertainment journalist at ngayo’y vlogger, pinupuri niya ang anak na si IC Mendoza sa maaga nitong pag-call out sa attention ni Sen. Migz Zubiri.

Sa kanyang FB post na lumabas din sa kolum niya sa Phil. Star, sinabi ni Dolly na kahit pa nakapag-isyu na ng statement si Sen. Zubiri sa pag-drag ng name ng kanyang ina na inihalintulad sa ‘circus’ sa Senado,”as her daughter I have to take up the cudgels for my mom since she’s no longer around to defend herself.”

Dagdag pa nito, “I wonder if Sen. Zubiri would have apologized if my son, IC Mendoza, did not call him out on social media. Or could it be just damage control? In his apology statement, Migz said that mentioning my mom’s name (“Inday Badiday na ba tayo dito sa Senado?”) was a slip of the tongue. Hmm… could it have been a Freudian slip? Oh, well, even if he claims it was unintentional, the harm has been done.”

Sa pagtatanggol ni Dolly sa legacy ng kanyang ina na tinaguriang Queen of Intrigues sa showbiz,  ipinaalala nitong nai-angat ni Ate Luds ang level ng showbiz reporting sa pamamagitan ng mga programa niyang nagbibigay tulong at ayuda sa mga tao, kahit wala ito sa pulitika. 

Kaya naman mula sa pagiging Queen of Intrigues ay tinawag din itong Queen of Public Service bago ito namayapa mahigit dalawang dekada na ang nakaraan.

“My mom worked so hard to build her name. That’s why it was appalling to hear Sen. Zubiri use mommy’s name as a punchline. To aggravate matters, he showed no respect for the dead. Ma passed away 23 years ago. Please let her rest in peace. Spare her from your political theatrics,” parte pa ng post ni Dolly.

Marami naman sa mga nakabasang celebrities at mga netizen na inabutan si Ate Luds ang nagsasabing “in bad taste” nga daw ang pagkaka-aasociate ni Sen. Zubiri sa name ni Inday Badiday sa nangyayaring circus at katatawanan ngayon sa Senado, much more ang gawin daw itong synonymous ng “fake news.”

Pahabol pa ng kolumnista/vlogger, “Ma went beyond showbiz. In her TV show, “Eye to Eye” on GMA 7, she forayed into public service and put up Mata ng Bayan Foundation. It was her way of paying it forward. Ma’s being “Queen of Intrigues” was overshadowed by her new moniker, “Queen of Public Service.” She always went the extra mile with her supersized heart.”

Noong araw nga daw ay may mga nag-aalok pa kay Ate Luds na pasukin din ang pulitika gaya ng pagiging Mayor ng Quezon City, subalit sinabi ng kanyang ina na kaya nitong magsilbi sa kapwa nang walang anumang posisyon sa politics.

Naging pamosong Ambasssador ang ama ni Ate Luds na si Ambassador Nicanor Narciso Jimenez noong 80’s sa South Korea at kahit noon pa man ay nasa dugo na nila ang “public service” beyond politics  gaya ng isa pang famous sister ni Ate Luds na si former PDI Editor in Chief, Letty Jimenez Magsanoc.

Sa bandang huli ay tinanggap din ni Dolly ang naging apology ni Sen. Zubiri lalo’t personal din itong nagpa-abot ng paghingi ng ‘pasensya at tawad” sa kanyang sinabi sa pamamagitan ng common friend nilang si Allana Lopez Montelibano, ng pamosong Lopez clan sa Iloilo City at ABS-CBN family.

“For the love of Allana and for the sake of peace, I accept Senator Zubiri’s apology. But as my mom’s famous line goes, “Careful, Careful,” Migz next time around, ” pagtatapos pa ni Dolly.

Sa kaugnay ng balita, personal ding pinasalamatan ni Dolly Anne at kanyang pamilya si Sen. Ping Lacson sa pinost nitong reaction hinggil sa pangyayari.

Saad ni Sen. Ping, ““Maria Lourdes Jimenez-Carvajal, more popularly known as ‘Inday Badiday,’ was a decent person. She was authentic and truthful, trusted and credible. In the senate plenary yesterday, peke ang source, peke ang messenger; pati ang back-up, peke.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles