Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Alfred Vargas and wife, binasura ang isinampang reklamo

Ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Manila ang reklamong isinampa ng mag-asawang Alfred at Yasmine Vargas laban kina Rob Sy at asawa nito, ang mga magulang ng diumano’y batang nambully sa anak nina Vargas.

“Lack of evidence,” ang nakitang rason ng naturang upisina ng Prosecutor kaugnay ng kasong violation of Section 10(a) ng Republic Act No. 7610 o ang special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Sa inilabas na resolution dated May 12, sinabi ng mga prosecutors na “no prima facie evidence with reasonable certainty of conviction to indict the respondents Sy and Bacosa,” kaya’t ibinasura ang naturang reklamo ng mga Vargas.

Sa pinost naman ni Sy sa kanyang FB account nitong May 27, ibinahagi nito ang isang parte ng desisyon ng Prosecutor.

“The complainants argue in the main that the respondents’ purported failure to intervene and supervise their son is the cause of their child’s predicament. However, such an argument appears to be merely based on speculation. Allegation is not in itself evidence.”

“Accordingly, the undersigned finds no prima facie evidence with reasonable certainty of conviction to indict respondents for violation of RA 7610,” bahagi pa ng post.

“Vindication” daw ayon kay Sy at sa asawa niyang si Juvelle Bacosa ang naging desisyon ng korte para mapatunayang sa simula pa lang ay isang kalkuladong ‘narrative reversal’ at isang pagtatangkang baliktarin ang umano ang tunay na pangkalahatang kwento gamit ang media portrayals at emotional theatrics imbes na objective facts at totoong ebidensya.

Dagdag pa ni Sy, “Sa kabila ng online hostility, cyberbullying, at maagang paghusga ng ilan na aming tiniis sa buong ordeal na ito, pinili naming huwag sumabay sa pampublikong drama. Bagama’t nauunawaan namin sa paliwanag ng aming abogado na maaari pa itong i-apela o humaba pa sa legal na proseso, ang DISMISSAL o PAGBABASURA na ito ay isang mahalaga at kinakailangang vindication para sa aming pamilya, lalo na sa aming anak.”

Samantala, sa statement naman na pinost sa Facebook nitong Thursday, ni Vargas, sinabi nitong nirerespeto nila ang naturang desisyon kahit wala pa silang natatanggap na kopya nito.

Paliwanag pa ni Vargas, “In the same light, due process allows us to seek legal remedies. We will exert all available legal avenues to pursue justice for our child. Hindi pa po dito nagtatapos ang laban. Thank you for all your prayers.”

Sinubukan ng BISTADO na kunan ng pahayag o reaksyon si Councilor Vargas subalit hanggang sa sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming natanggap na sagot.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles