Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Labor groups, pinare-review ang NAIA privatization deal

Nanawagan ang malalaking labor organizations sa gobyerno na imbestigahan at repasuhin ang umano’y paglabag sa kasunduan sa privatization ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), lalo na ang kawalan ng independent oversight sa multibillion-peso deal.

Sa isang joint statement, sinabi ng mga grupong kabilang ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino at National Confederation of Labor na bigong magtalaga ang gobyerno ng required independent consultant para bantayan ang kontrata.

Ang kasunduan ay nilagdaan noong 2024 ng Department of Transportation, Manila International Airport Authority, at New NAIA Infrastructure Corp. consortium na pinamumunuan ng San Miguel Corp.

Layunin ng deal na i-modernize ang NAIA, na matagal nang binabatikos dahil sa congestion, delays, at mahinang serbisyo.

Pero ayon sa labor groups, dapat silipin ng House of Representatives kung sobra-sobrang kontrol ang naibigay sa private firms.

Pinaparepaso rin nila ang posibleng panganib sa national security, border control, anti-smuggling efforts, at emergency response.

Nanawagan din ang mga grupo sa Kongreso na suspendihin o kanselahin ang contract provisions na makasasama sa publiko.

Ayon sa kanila, nalaktawan ang monitoring role dahil itinuring itong masyadong magastos.

Iginiit ng labor groups na kung walang independent check, walang sapat na proteksyon ang publiko laban sa corporate overreach sa paliparang ginagamit ng mahigit 50 million passengers kada taon.

Binanggit din nila ang pangamba sa posibleng displacement ng workers at pagkalugi o pagsasara ng small businesses na nag-o-operate sa airport.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ng industry group na PUSO ng NAIA na nagtaas na umano ng fees at travel costs ang private operator sa gitna ng mataas na inflation at mahinang piso, kaya napapasa sa publiko ang dagdag na gastos.

“What was promised as modernization now looks like a loss of accountability, labor rights, and national sovereignty,” ayon sa joint statement ng labor groups.

 “A contract without independent oversight is a blank check handed to private interests,” diin nila. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles