Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

276 online libel cases isinampa ng PNP, 32 arestado

Umabot sa 276 online libel cases ang nai-refer ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) para sa prosecution mula January 1 hanggang May 15.

Ayon sa PNP, 32 indibidwal naman ang naaresto sa nationwide drive laban sa online libel.

Isinagawa ang mga operasyon ng iba’t ibang Special Operating Units at regional, provincial, city, at district cyber response teams ng PNP ACG sa buong bansa.

Bahagi ito ng patuloy na kampanya laban sa paglabag sa Section 4(c)(4) ng Republic Act No. 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ang mga naarestong indibidwal ay nahaharap sa kasong online libel.

Sa ilalim ng batas, ang online libel ay tumutukoy sa public at malicious imputation ng isang crime, vice, defect, o anumang act o circumstance na maaaring magdulot ng dishonor o discredit kapag ginawa sa pamamagitan ng information and communication technology.

Mas mabigat din ang parusa nito dahil sa Cybercrime Prevention Act, kung saan ang penalty ay one degree higher kaysa traditional libel sa ilalim ng Revised Penal Code.

Pinaalalahanan naman ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang publiko na maging responsable sa paggamit ng social media at iba pang digital platforms.

“Ang social media ay isang makapangyarihang instrumento ng komunikasyon, ngunit kaakibat nito ang pananagutan. The PNP will remain firm in enforcing the law habang tinitiyak natin na ang karapatan ng bawat isa ay nirerespeto,” ani Nartatez.

Ayon sa PNP, magpapatuloy ang enforcement operations laban sa online libel habang tinitiyak ang due process at paggalang sa karapatan ng bawat indibidwal. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles