Hindi nakalusot sa first round ng French Open sa Paris ang Pilipinang si Alexandra Eala matapos yumuko sa kaibigan na si Iva Jovic ng Amerika, 4-6, 2-6, nitong Martes.
Susunod na haharapin ng world No. 17 ang kapwa Amerikana na si Emma Navarro.
Malakas ang naging simula ni Jovic sa Court 14. Nakuha niya ang kanyang unang break sa ikaapat na game matapos ang isang forehand winner down the line upang umabante sa 3-1.
Muling naka-break si Jovic upang buuin ang 5-1 na kalamangan bago bahagyang naagaw ni Eala ang momentum.
Tatlong double fault mula kay Jovic sa ikapitong game ang tumulong kay Eala upang makabawi ng break. Muling naka-break ang Pilipina upang paliitin ang agwat sa 5-4.
Ngunit agad tumugon si Jovic sa pamamagitan ng isa pang break upang maselyuhan ang opening set, 6-4.
Sa ikalawang set, nagpalitan ng maagang breaks ang dalawa bago muling makakuha ng break si Jovic sa ikaanim na game. Pagkatapos nito ay komportable niyang nahawakan ang kanyang serve at muling naka-break upang kumpletuhin ang panalo sa loob ng 1 oras at 40 minuto.
“If we can compete fiercely and still be friends off the court, that would have a great impact on the generations to come,” ang matalinong sagot ni world No. 37 Eala sa press conference matapos sibakin ng kaibigan.
Mahirap na kalaban ang kaibigan, ayon kay Jovic.
“Alex is a great player. One of the, I think toughest first rounds, especially as a seed, that I could have gotten. But I hung tough when I needed to, and was happy to get it done in straights,” ayon kay Jovic.
Si Jovic ang mas agresibong sa laban — 34 winners at 29 unforced errors.
Si Eala ay nagtala naman ng 15 winners laban sa 28 unforced errors.
Na-convert ni Jovic ang anim sa siyam na break-point opportunities at nanalo rin ng 70% at 47% ng first serve at second serve points.
Si Eala ay nakapag-convert lamang ng tatlo sa siyam na break points at nanalo ng 50% at 30% ng first serve at second serve points.
“I think it’s about just being a little bit smarter with the way you’re playing offense.” ani Jovic. “I would say that’s more so when it’s night and it’s raining and it’s cold. The conditions are quite lively, especially when you play during the day, and it’s so hot. The clay is pretty thin here, so it almost rewards regression a little bit than some other clay courts, like Rome or some other slower surfaces. So I think I can get away with being aggressive and playing that type of tennis. Just a little bit smarter with playing to the corners a little bit more.”
Sa kanyang ikapitong Grand Slam main draw appearance, anim na beses nang umabante si Jovic mula sa opening round. Ang tanging first-round loss niya sa isang major ay nangyari sa Wimbledon noong nakaraang taon.
Patuloy pa ring hinahanap ni Eala ang kanyang unang main-draw win sa Paris. Iisa pa lamang ang kanyang napanalunang main-draw match sa limang Grand Slam appearances.
Tinalo ni Navarro si Janice Tjen ng Indonesia, 6-4, 6-3.


