Matapos mag-react at mag-post si IC Mendoza, na nag-ko-kol out kay Sen. Miguel Zubiri, mabilis ding nagbigay ng kanyang public apology ang Senador.
Sa naganap kasing session sa Senado last May 25, ay nabanggit ng Senador ang pangalan ni “Inday Badiday” habang nagbibigay ito ng kanyang pahayag hinggil sa ipinakitang video presentation ni Sen. Imee Marcos na para sa kanya ay isang porma ng “pangangampanya” kaya’t nais niya itong ipa-strike out sa record ng Senado.
Kinontra naman ito ni Sen. Rodante Marcoleta kaya’t nakapag bitaw na ng mga salita si Zubiri at nagsabing:
“Inday Badiday na ba tayo (rito) sa Senado (Are we Inday Badiday here in the Senate)? Kaya nga sinasabi (That’s why it’s said), ‘we’re circus.’ I apologize to those who are watching. We are a circus because (of) this type of language that we are pushing in this caucus chamber. It’s unparliamentary.”
Dahil diyan ay agad ngang kinol-out ni IC Mendoza si Zubiri.
Si IC ang celebrity apo ni showbiz icon ng yumaong si Lourdes Jimenez-Carvajal na higit kilala bilang si Inday Badiday, na ina naman ng kilala at award-winning na entertainment journalist na si Dolly Anne Carvajal.
Kapatid din siya ng dating Editor-in-Chief ng Philippine Daily Inquirer at mahusay ding print journalist na si Letty Jimenez-Magsanoc.
Pakli ni IC sa kanyang call-out post kay Sen. Zubiri, “reducing her name and legacy to describe the ‘circus’ happening in the Senate is offensive. Ang tagal nang patay ng lola ko (My grandmother has been dead for a long time). Please leave her out of your political commentaries and analogies.”
Kumalat ang naturang post ni IC sa socmed na agad namang sinang-ayunan ng netizen dahil ang pakiramdam nga nila sa pagkakabanggit ni Zubiri sa name ni Inday Badiday ay tila daw negatibo kahit pa sabihing nakilala at tinagurian itong Reyna ng Intriga sa showbiz world.
Sanhi nito, naglabas ng kanyang opisyal na “public apology” si Sen. Migz Zubiri at narito ang ilang bahagi nito:
“Sa buong pamilya of the late Inday Badiday, I am sincerely sorry for mentioning her name during my manifestation sa Senado. Slip of the tongue po iyon in the middle of a heated debate, and I take full responsibility because I should have been more careful with my words.”
“Like many from my generation, lumaki rin po ako na nakikita siya sa TV, bahagi siya ng pop culture natin and she was loved by so many Filipinos. Lovable talaga siya, with her own charm, wit and warmth, and I fully recognize her contribution to Philippine television, entertainment journalism and media.”
“I never meant to disrespect her memory or reduce her legacy to politics,” he said of Carvajal, adding: “Tama si IC Mendoza, dapat hindi na nadamay ang lola niya sa usaping pulitika (IC Mendoza is right, his grandmother should not have been dragged into politics). Kaya muli (Again), I apologize deeply to the family and I will be more mindful moving forward.”
Tinanggap naman ang nasabing apology ng Senador nina IC at mga kapamilya niya.


