Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

1M sako ng bigas, sinimulan nang ipamahagi ni Cong. Leviste sa Batangas

BATANGAS — Sinimulan na ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste ang pamamahagi ng isang milyong sako ng bigas sa mga pamilyang hindi pa nakakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan sa buong lalawigan.

Ayon kay Leviste, personal niyang tulong ang bigas at walang gastos mula sa gobyerno.

“Magbibigay ako ng isang milyong sako ng bigas para sa lahat ng pamilyang hindi pa nabibigyan ng ayuda ng gobyerno sa Batangas, dahil ikinalulungkot ko ang pagpili sa pamamahagi,” ani Leviste.

Nilinaw din ng mambabatas na aabot sa isang bilyong piso ang halaga ng bigas na ipamamahagi.

“Walang hintayan sa photo-op at walang pipiliin (sa distribusyon),” diin niya.

Nagsimula ang pamamahagi noong Lunes matapos ibigay ni Leviste ang 20,000 sako ng bigas sa mga parokya sa Batangas City na inirekomenda ni dating Governor Dodo Mandanas.

Noong Huwebes naman, nakatanggap ng 20,000 sako ng bigas ang mga barangay health worker, tanod, at iba pang barangay functionaries sa unang distrito ng Batangas na hindi naisama sa pinakabagong distribusyon ng probinsya.

Ayon kay Leviste, 84 barangay sa kanyang distrito ang hindi nakatanggap ng tulong sa ilalim ng “Bawat Barangay Makikinabang” program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na inilunsad noong Abril 24.

Ayon sa mga apektadong barangay captain, sinabihan umano sila ng Kapitolyo na hindi sila isasama dahil sa umano’y “tampururot.”

Nanawagan si Leviste sa kapwa niya public officials na huwag hayaang maging hadlang ang pulitika sa pamamahagi ng tulong.

“Hinihikayat ko ang mga lokal na opisyal na makipagtulungan para tiyaking makarating ang bigas sa bawat pamilyang nangangailangan,” ani Leviste.

Si Leviste, anak ni Senador Loren Legarda at dating Governor Antonio Leviste, ay kasalukuyang kinatawan ng unang distrito ng Batangas mula noong Hunyo 2025. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles