Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Political analyst: Impeachment trial babaguhin ang resulta ng 2028 presidential surveys

Puwedeng baguhin ng Senate impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang public perception at survey prospects hindi lang ng bise presidente, kundi pati ng senator-judges, mga kaalyado niya, at House prosecution team.

Ito ang sinabi ni Cleve V. Arguelles, president ng WR Numero at political scientist, sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City.

Ayon kay Arguelles, magiging national test ang impeachment trial sa political judgment, ebidensya, at public trust. Dahil televised at matututukan ng publiko ang proceedings, hindi lang ang akusado ang mabibigyan ng panibagong tingin ng taumbayan.

“So, I think malaki po yung magiging epekto ng impeachment trial. There’s a lot of uncertainties but definitely lahat po yung involved na participants, from the VP herself, to the allies of the VP, majority/minority senator-judges and the prosecution team itself, lahat po iyon magkakaroon ng panibagong public perception ‘yung mga kababayan natin,” ani Arguelles.

Sinabi niya na lalampas sa sariling political future ni Duterte ang epekto ng trial. Pati ang performance ng House prosecutors at Senate impeachment court ay susuriin ng publiko.

“Doon naman sa ibang players, I think we have a good understanding na for both the House prosecutors and the Senator-Judges kung paano po nila ipe-perform ‘yung role nila sa impeachment court ay may effect po sa kanilang popularity and public support para sa kanila,” paliwanag ni Arguelles.

Tinukoy ni Arguelles ang mga nakaraang impeachment trial bilang halimbawa na may epekto sa political standing ng mga senator-judges ang kanilang kilos kapag nakalatag na ang ebidensya.

“So halimbawa mayroon po tayong mga nakakitaan in the previous impeachment trials na mga senador na talagang nagpakita na kakampi lang sila doon sa kanilang kaalyado kahit pa yung ebidensya ay pagtakpan, halimbawa doon sa impeachment trial ni President Estrada,” ani Arguelles.

Ang impeachment trial ni dating President Joseph Estrada noong 2000 at 2001 ay naging mahalagang political moment sa bansa. Naging sentro noon ng public anger ang pagharang sa ebidensya, na tumulong magpasiklab sa mga pangyayaring nauwi sa pagpapatalsik sa kanya.

Para kay Arguelles, malinaw ang aral ng mga nakaraang impeachment proceedings: hindi natatapos sa loob ng chamber ang epekto ng boto at asal ng senator-judges.

“May mga nanganib sa sumunod na eleksyon dahil po doon sa hindi nagustuhan ng publiko ‘yung kanilang performance bilang senator-judges,” diin ni Arguelles.

Pero hindi lang senator-judges ang maaaring maapektuhan. Ayon kay Arguelles, puwede ring tumaas ang profile ng House prosecutors kung magampanan nila nang maayos ang papel nila sa paglatag ng ebidensya at pagpapaliwanag ng kaso sa publiko.

“Meron din naman House Prosecutors na nagkaroon ng national profile, national public support dahil doon sa kanilang performance,” sabi ni Arguelles. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles