Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bolts tumabla matapos malasin ang Tropang 5G

Naghirap at nakakuha ng kaunting swerte ang Meralco upang tumabla kontra TNT, 87-76, sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup best-of-seven semifinals series sa Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Byernes.

Walang duda na ang pinakamalaking dahilan kung bakit naging best-of-five ang serye simula ngayong Linggo ay ang injury na tinamo ng Tropang 5G import na si Bol Manute Bol sa huling 2:37 ng unang quarter.

Umiskor si Chris Newsome ng 24 puntos, kasama ang 15 sa final quarter.

Pansamantalang bumawi si Marvin Jones mula sa isa na namang shooting struggle para maipasok ang ilang mahahalagang tira na tumulong sa Bolts na makabawi mula sa 89-94 pagkatalo sa Game 1 noong Miyerkules.

Ang 7’3” na si Bol ay pa-atake sa basket ngunit nakita na hinawakan ang kaliwang bukung-bukong matapos bumagsak.

Binuhat siya palabas ng court at kalaunan ay sa ospital para sa mas masusing pagsusuri.

Pinangangambahang nagtamo si Bol ng torn Achilles at posibleng mapalitan bago ang Game 3, ayon sa mga ulat.

Sinabi ni Meralco coach Luigi Trillo na panalangin din nila ang paggaling ni Bol, bago inamin na natuwa siya sa hindi inaasahang magandang pagkakataong dumating sa kanila.

“We’ve been to four finals before, we faced Ginebra and every time in (those) series, we’ve had injuries so we had a bit of luck this time,” ani Trillo.

“You have to take advantage of these opportunities. We don’t know who they’re bringing in, but obviously Bol Bol is a different kind of player. They’ve started to figure it out, he was passing the ball,” dagdag pa ni Trillo.

Bago ang injury, mayroon nang 10 puntos at anim na rebounds si Bol at tila papunta na naman sa isa pang higanteng laro tulad ng Game 1 kung saan nagtala siya ng 37 puntos, 11 rebounds, anim na blocked shots, at career-high sa PBA na walong assists.

Sa pagkawala niya, naiwan kina Roger Pogoy at Calvin Oftana ang opensa para sa TNT.

Nanguna si Pogoy sa lahat ng scorers na may 27 puntos habang nagdagdag si Oftana ng 22 puntos at siyam na rebounds.

Nasa sentro ng lahat si Newsome at siya pa ang nagbigay ng assists kay Jones para sa isang maikling tira at isang tres sa gitna ng pagratsada ng Bolts mula sa 76-74 na iskor tungo sa 85-76 abante sa nalalabing 59 segundo.

Nagtala si Jones ng 16 puntos at 13 rebounds kahit 7-of-18 lamang siya mula sa field, habang nag-ambag din si Javee Mocon ng 16 puntos at pinangunahan ang Meralco sa third quarter na nagtapos sa 57-all.

“We can’t control right now what they’re doing, but what we can control is back to the drawing board a little bit, see what they do, clean up a little bit of the mistakes and then maybe once we find out about that import then we can talk about it. But I think it will be a gametime decision on how to defend that guy,” ani Trillo.

The Scores:

Second Game

MERALCO 87 – Newsome 24, Jones 16, Mocon 16, Hodge 12, Quinto 6, Cansino 5, Brickman 3, Black 3, Rios 2, Banchero 0, Nates 0.

TNT 76 – Pogoy 27, Oftana 22, Bol 10, Heading 6, Nambatac 4, Quitevis 2, Khobuntin 2, Chua 2, Ferrer 1, Williams 0, Ganuelas-Rosser 0, Enciso 0, Nieto 0.

Quarters: 15-22; 35-40; 57-all; 87-76

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles