Kung marami ang kinilig at natuwa sa tila pa-hard kaunch ni Daniel Padilla sa tunay nilang relasyon ni Kaila Estrada, ang co-star din nila sa INCOGNITO na si Richard Gutierrez ay hindi rin nagpahuli.
“OMG, kahit sinong babae ay kikiligin, masusurpresa at mamahalin talaga ng bongga ang boyfriend niya, ” sigaw ng mga kilig na kilig na netizen sa ginawa ni Richard para kay Barbie Imperial.
Sa post ni Barbie sa kanyang IG ay kilig na kilig itong ibinahagi ang pag-decorate ng aktor sa kanyang room na pinuno ng mga bulaklak, with matching mga ilaw at candles for a more romantic and dramatic effect.
Simpleng “thank you” lamang ang caption niya sa kanyang post sa naging gesture ng boyfriend.
“Sari-saring bouquet of flowers, with balloons and everything, tapos nakatayo ang iyong prince charming na poging-pogi, sinong hindi kikiligin o sasagot ng “yes” sa kung ano mang proposal meron?,” saad pa ng mga netizen.
Sanhi nito, nagkaroon ng mga espekulasyon ang netizen na baka nga daw isang “proposal” na ang naganap lalo’t wala namang ibang espesyal na okasyon gaya ng birthday o baka daw anniversary.
May mga tsika namang simpleng pasasalamat lang naman daw yun ni Richard sa sobrang pag-aasikaso at suporta ni Barbie dito lalo na sa kanyang mga gawain outside showbiz.
May nagkomento namang marahil ay gimik lang nila para sa kanilang ongoing series na Blood versus Duty.
May mga nagbibigay sapantaha pa na marahil ay na-grant na umano ang annulment nina Richard at dating nitong asawang si Sarah Lahbati.
Narito naman ang ilan sa reaksyon ng iba pang mga netizen”
“Simpleng surprise pa lang ni RG yan, lalo na siguro kung mag propose yan pasabog talaga. Ang sweet nya kay Barbie, lagi may surprises.”
“Do you really think magpapakasal pa yan si RG after his messy marriage ng ex and having 2 sons..for display/ arm candy na lang ang partner nya.. do not hope for any marriage.. reality check lang noh.”
“Hahaha… tama! Sa simula lang yan kasi fresh ka pa.”
“May tv series kasi. Courtesy of dreamscape.”
“Ganyan talaga early stages ng relationship. pa best foot forward.”
“Ay seryoso na iyan? May access na si bf sa private room ni girl?”
“Iba talaga pag in love si Richard. All out! Nakakahaba ng hair!”
“Ay oh ganda ni girl.”


