Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P14.28M shabu nasabat sa Bacolod buy-bust; 2 arestado

BACOLOD CITY – Arestado ang dalawang lalaki matapos makumpiska ng Bacolod City Police ang 2.1 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P14.28 million sa buy-bust operation sa Purok Camonsil, Barangay 3 noong Saturday morning.

Ayon sa Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR), isinagawa ang operasyon ng Police Station 2 at nauwi sa pagkakaaresto sa dalawang suspect na kinilala lamang sa mga alyas na “John” at “Mark.”

Si “John,” 29, ay isang painter at residente ng nasabing barangay. Si “Mark,” 34, ay isang construction worker mula sa Purok GK, Barangay Cabug.

Sa isang pahayag, sinabi ni PRO-NIR Director Romano Cardino na bahagi ang operasyon ng tuloy-tuloy at intelligence-driven anti-drug operations ng police drug enforcement teams sa rehiyon.

“We commend the operating units for the successful operation. Our aim is ensuring safer communities and preserving peace and order in the NIR,” ani Cardino.

Batay sa ulat, bago mag-3 a.m., nagbenta umano ang mga suspect sa isang undercover policeman ng P120,000 halaga ng hinihinalang shabu na nakalagay sa knot-tied transparent plastic bag.

Pag-aresto sa kanila, nakumpiska pa ng operatives ang isang plastic pouch at 10 knot-tied transparent bags na naglalaman din ng hinihinalang shabu.

Nasa kustodiya na ngayon ng Police Station 2 ang dalawang suspect habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila.

Nangyari ang operasyon sa Barangay 3 ilang araw lamang matapos makarekober ang City Drug Enforcement Unit ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P28.56 million mula sa isang babae sa sting operation sa Purok Fatima, Barangay 31 noong May 19. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles