Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Regine Velasquez, mas bet manood ng K-drama kaysa manood ng TV news

Hindi ikinakaila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na nabuburyong o nahihilo na daw siya sa mga nangyayari sa pulitika.

Kaya’t mas ninanais na lang niyang manood ng mga K-drama kapag nagpapahinga siya o tapos na siya sa kanyang mga trabaho.

Ayon sa socmed post ni Songbird, “literal na nakakatorete nga ang mga nagaganap na tunggalian sa ating bayan. Hahaha.”

At para hindi na daw niya o ng kanyang pamilya na madagdagan pa ang kanilang mga stress, “mas pinipili na lang naming manood ng mga feel-good shows gaya ng K-drama, na dubbed in Tagalog or English.”

“Naku, stressful din kasi minsan yung may mga subtitles na show. Nakaka-dagdag stress panoorin dahil babasahin mo pa, ” ang natatawa pa nitong post.

Preferred daw nilang mag-asawa (Ogie Alcasid) at anak na si nate na manood ng mga family dramas o romantic drama lalo’t may pagkaka-kyut at mahuhusay daw na mga batang Koreano.

Subalit klinaro din Regine na hindi naman daw ibig sabihin noon na wala na silang pakialam sa mga nangyayari sa bayan.

Mas pinipili lang daw nilang palakasin at mas e-establish ang malusog na mental state o health na kanila ding advocacy para na rin sa mga kapwa nila na na-bu-burn oput na o nawawalan na ng pag-asa sa mga pangyayari sa pulitika.

Narito nga ang kabuuang post ni Regine, “hello everyone, I am so in to K-dramas nowadays and yes kahit hirap ako magbasa pinapatulan ko na. But most of the time I like it when it’s already dubbed. After work I’m so excited to come home to be with my husband and Nate and to watch my K-drama line up my little refuge…….with everything that’s happening I think we all need a little break.

“I’m not saying for as not to get involve No pero kailangan din nating huminga. God bless all of us. By the way I’m so obsessed with this baby he has a k-drama I think it’s called Our Universe but it’s not on Netflix anyway sana umayos na ang pamumuhay natin kahit konti Lord please help us,” buong post niya kalakip ang photo ng kanyang favorite Korean child actor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles