Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ryan Agoncillo versus Erwan Heussaff, sino ang ‘red at green flag?’

Maraming mga netizen na ngayon ang pinagkukumpara ang naging pagbisita nina Ryan Agoncillo at Erwan Heussaff sa programa ni Matteo Guidicelli sa Bilyonaryo News Channel na “Matteo G Primetime.”

Although magkaibang mga araw sila naging guest ng aktor-host, hindi naiwasan ng mga netizen na pagkumparahin ang mga naging sagot nila sa basic questions ni Matteo lalo’t parehong mga sikat na showbiz celebrities ang mga asawa nila.

Naging guest ni Matteo si Ryan noong buwan ng April pa at kasama pa nito ang asawang si Judy Ann Santos, habang nitong May lang bumisita si Erwan na mag-isa.

Sa naging daloy ng mga tanungan at sagutan, napagtuunan ng pansin ng mga televiewers ang isyu tungkol sa kung ano ang reaksyon ng mga asawang lalaki kapag may mga ibang lalaking ka-partner ang mga asawa nila sa either TV or movies, much more kapag may mga roles na nag-dedemand ng ilang intimate moments like kissing, hugging and bed scenes?

Sagot dito ni Ryan sa harap pa mismo ng asawang si Juday, “nasa kanya yun. Siya ang mag-desisyon. Saka na kami mag-usap o mag-away sa bahay.”Habang nang ibato ang same question kay Juday ay positibo itong sinagot ng aktres na okay sa kanya at walang isyu.

Ipinaliwanag pa ng Eat Bulaga co-host na ang ibig niyang tukuyin sa “subukan mo” response niya ay yung pagbibigay niya ng freedom sa asawa na mag-desisyon.

“Gawin mo saka na natin pag-awayan,” ay patungkol umano sa mga posibilidad na maaaring idulot ng desisyong gagawin ng asawa.

“I guess that’s the message I sent her. On the surface… these are quality women and they know what they’re doing,” Ryan explained further. “It’s always been the way we were from the beginning, I’d be like ‘Sige, tingnan ko kung saan ka pupunta. Susunod naman ako eh, kung hindi ako sumunod alam mo na ‘yung sagot. These decisions, siyempre if it works for me, hindi na ako aangal o makikipag-away. But [if it doesn’t work], she will consult me and I will be, ‘Sige, gawin mo, saka na natin pag-awayan,'” dagdag pang paliwanag ni Ryan.

Samantala, ang naging tugon naman ni Erwan sa parehong tanong, “I don’t mind at all. She has been doing that even before we even became a couple. I could not meddle with her craft.”

Lubos daw ang tiwala at respeto ni Erwan sa klase ng trabaho ni Anne sa showbiz. Hindi daw kailanman naging isyu sa kanya kung ano ang mga pinipiling role ng asawa lalo’t hindi naman niya “alam” ang mga bagay hinggil sa paggawa ng pelikula o kung ano ang sistema sa production.

“But I always support her. What I don’t like much is the people’s tendency to see my reaction or how will I react to such things,” sabay bigay example na noong mag-premiere daw ang last movie ng asawang si Anne Curtis at may bed scene with Jericho (Rosales, leading man sa movie).

“I brought with me my staff, my employees. I know there will be scenes like those in the movie so I told my staff not to look at me when that happens,” aniya na sinabi pang sa mga ganung bagay daw siya naiilang lalo’t tila may kung ano daw na ini-expect ang mga tao sa kanya sa ginagawa ng asawa on screen.

Sa naging paghahambing ng netizen at mga nakapanood ng naturang mga interview na mahusay namang nagawa ni Matteo, tila mas higit ang mga nagsabing mas masuwerte si Anne dahil mayroon siyang asawang marunong umintindi, sumuporta at magtiwala.

Sa kabilang dako, kahit daw maganda ang naging paliwanag ni Ryan, tila daw “red flag” ito ng pagiging ‘insecure at kulang sa tiwala’ sa asawa ang niloloob ni Ryan.

“Considering na siya itong taga-showbiz din at mas alam ang kalakaran dito,” komento pa ng netizen.

Noong 2004 nagsimulang maging magkasintahan sina Juday at Ryan, sa kasagsagan ng kasikatan ng aktres at ikinasal sila noong 2009 at nagkaroon nga sila ng tatlong mga anak namely, Johanna “Yohan” Louise, Juan “Lucho” Luis, and Juana “Luna” Luisa.  

Sina Erwan at Anne naman ay naging magkasintahan noong 2010 at ikinasal noong 2017 at nabiyayaan ng isang anak noong 2019 na si Amelie Dahlia.

Nagawa pang pakantahin ni Matteo si Erwan sa naturang show na sabi pa ni Erwan ay kanyang “lullaby” sa 7-year old niyang makulit at mana sa kanyang si Dahlia.

Maraming netizen ang lubos na humanga at naging instant fan ng kilalang “chef” na madalas ngang nag-iikot sa buong bansa at pinupuntahan ang mga iba’t-ibang palengke para sa mga delicacies o dishes na tanyag ang isang lugar.

Marami ding mga netizen ang humihimok ditong sundan na ang kanilang anak at sumama daw sa susunod na concert ng asawa dahil higit daw itong may magandang boses kesa sa asawang nagagawang punuin ang Araneta Coliseum nang dahil sa kanaturalan nitong umawit ng nakakatuwa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles