Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Darryl Yap, nagpa tutsada sa ginawa ng Assumption College kay Sen. Loren Legarda

Nasa gitna na naman ng bashing at kontrobersiya si direk Darryl Yap matapos itong mag-post sa kanyang FB account ng kanyang saloobin hinggil sa ginawa ng isang kolehiyo kay Senator Loren Legarda.

Tila nakakita ng tagapagtanggol ang Senadora sa katauhan ng iskandalosong direktor. Isa kasi si Sen. Legarda sa matitinding binatikos kamakailan ng sambayanan sanhi ng naging role nito sa pagkanlong kay Sen. Bato dela Rosa at pagkampi sa ngayo’y tinatawag na bagong majority block under the leadership of Sen. Alan Peter Cayetano.

Sa naging reaksyon ni direk Yap, pinatutsadahan nito ang Assumption College  sa pamamagitan ng pag-criticize sa Assumption Student Council (ASC) na nag-desisyong tanggalin ang ‘portrait’ ni Senator Loren Legarda mula sa “Wall of Empowered Women” section o hall ng naturang kolehiyo.

Kinondena nga ng naturang student council ang naging mga aksyon ni Sen. Legarda na ayon sa kanila ay taliwas sa mga ipinaglalaban nito noong ipinagmamalaki siya at pinarangalan ng school dahil sa kanyang mga prinsipyo at magagandang mga gawain bilang public servant.

Dahil dito, nagbigay ng suhestiyon si Yap na kung sa palagay daw ng Assumption College ay hindi na naka-align sa kanilang mga prinsipyo at values ang mga gawain ng Senadora, “might as well, remove the facilities and items that the senator donated to the school,” sigaw sa post ni direk Yap.

Nagbabala din ang kontrobersyal na direktor sa iba pang institutions at student councils na gumawa ng pagkondena sa Senadora na huwag daw masyadong pairalin ang political atmosphere sa mga dapat ay nagtuturo ng wasto at tama kapagdangan ay may mga pabor namang hinihingi o nire-request gaya ng pagpapatayo ng mga gusali, donation at iba pa.

Sa kasalukuyan, bukod sa Assumption College ay may pagkondena na ding inilabas ang Student Council ng College of Media and Communication ng UP Diliman at nag-e-engganyo din ito sa iba pang alumni organization gaya ng UP Mass Communication, UP Alumni Association at iba pang sangay nito sa buong bansa, lalo’t nagtapos ng kanyang kursong Masscom si Sen. Legarda bilang ‘cum laude’ bago naging isang award-winning broadcast journalist ng ABS-CBN.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles