♈ Aries (March 21 to April 20): Hindi lahat kailangang madaliin, lalo kung puso o desisyon ang nakataya. Kapag humingi ka ng dagdag na oras, hindi ka talo. Mas panalo ka pa nga dahil ngayon, mas gumagana ang charm mo kapag kakaiba ang delivery mo.
♉ Taurus (April 21 to May 21): Pasensyoso ka, pero hindi ka basahan. Kung may taong paulit-ulit pinipindot ang mali mong buttons, ngayon ang araw para magsabi ng “tama na.” Sa trabaho, kahit hindi ka pa 100% ready, pumasok ka sa eksena. Spotlight mo na ito.
♊ Gemini (May 22 to June 21): Pera at usapan ang mainit ngayon, pero huwag mag-panic. Kapag logic ang pinairal mo kesa overthinking, may lusot sa problemang akala mo sarado na. Sa love, hindi sapat ang feelings lang. Kailangan ding may honesty at generosity.
♋ Cancer (June 22 to July 22): May mukha, petsa, o alaala mula sa nakaraan na biglang babalik sa radar mo. Huwag agad isiping drama lang ito. Baka may second chance na dapat mong tingnan. Pero kung may role sa trabaho o komunidad na ipinipilit sa’yo, pwede kang tumanggi.
♌ Leo (July 23 to August 23): Umaapoy ang career zone mo, kaya huwag mong hayaang nakatambak lang ang dating pangarap. Balikan ang work goal na isinantabi mo dahil may timing na bumabalik. Sa love, pwede ang restart, pero sabayan mo ang pace ng partner, hindi puro ikaw ang bida.
♍ Virgo (August 24 to September 22): Kung sabog ang future plan mo nitong mga nakaraan, ngayon may linaw na papasok. Pwede mong palitan ang timetable, ayusin ang goals, at gumawa ng bagong sistema. Sa pag-ibig, may move na kailangan mong gawin bago lumamig ang momentum.
♎ Libra (September 23 to October 23): Hindi porket sunny ang aura mo, wala ka nang malalim na dinadala. May emosyon na gustong mapansin at hindi na pwede isiksik sa ilalim ng ngiti. Ambisyon, attraction, at risk ang sabay-sabay gagalaw. Piliin ang pagbabago na kaya mong panindigan.
♏ Scorpio (October 24 to November 22): Malalim ang mood mo ngayon, pero dito manggagaling ang tapang para itulak ang pagbabagong matagal mo nang gustong gawin. Oo, may maaapektuhan, pero hindi ibig sabihin mali ka. Sa pamilya, tingnan ang kilos ng tao, hindi ang label nila.
♐ Sagittarius (November 23 to December 21): Nakaka-engganyo ang grand gesture, pero hindi ito ang pinakamatalinong move ngayon. Mas malapit ka na sa agreement kesa akala mo, kaya tiisin ang boring na usapan. Sa love, doon ka magpakawala ng imagination. Suggestion mo ang pwedeng magpa-spark ulit.
♑ Capricorn (December 22 to January 20): Hindi ka fan ng biglaan, pero ngayon susubukan ka ng spontaneity. Huwag kang mataranta kapag hindi planado ang mangyayari. Kaya mo ito, at higit pa roon, pwede kang lumabas na panalo kung hindi ka kakapit sa script.
♒ Aquarius (January 21 to February 18): May family issue na hindi na dapat iwasan. Harapin mo nang diretso, pero huwag gawing laban. May creative idea ring lalabas na kakaiba, baka pati ikaw magulat sa lakas nito. Sa love, may break from the past na magpapagaan sa’yo.
♓ Pisces (February 19 to March 20): Diretso ang dila mo ngayon, pero piliin mo kung kailan ito gagamitin. Hindi lahat ng totoo kailangang ibato nang walang lambing. Sa trabaho o bahay, haluan ng empathy ang sinasabi mo. Sa romance, may “P” na pwedeng magdala ng wild na kilig.


