Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

VIBE ng TV5, bagong kalulugdang “musical-variety show”

Mukhang seryoso at handang-handa na nga ang TV5 na magbigay ng alternative musical-variety show para sa mga televiewers.

Nitong Sabado, May 16 ay live ng napanood ang VIBE Main Countdown kung saan ang mga regular hosts at mainstays ng show ay may venue na para sa kanilang mga hosting, dancing and singing skills and talents.

Sa pinaka bagong studio na MVP (after Chairman Manny V. Pangilinan) Studio ito ginaganap kung saan makikita ang mas moderno, high-tech at mga world-class equipments para sa bonggang sounds and lights, stage at backdrop para sa isang natatanging musical-variety show.

Napapanood ang VIBE araw-araw tuwing gabi (11;00 PM), habang ang Vibe Playback ay tuwing Sunday naman ng tanghali at ito nga ang replay ng Vibe Main Countdown na LIVE na napapanood kapag Sabado.

Sa pangunguna ng mga main artists na tinatawag ding “V’s” na sina Dylan Menor, Ana Ramsey, Queenay Mercado, Kych Minemoto, Ryle Santiago, Paulo Angeles, Maxie Andreison, at Joao Constancia, makakasama at magiging tahanan na rin ito ng mga bagong Kapatid nila sa STAR WORX, ang Block 1 artists.

Samantala, ang sixteen Block 1 artists ng STAR WORX ay kinabibilangan nina:Adam Buck, Amo Wilding, Chan Martin, Nico Matugas, Patrick Ballesteros, Spencer Capistrano, Wayne Leonard, Carmela Lorzano, Celyn David, Kaitlyn King, Keisha Serna, Marthena Jickain, Nathalie Apollo, Rahil Gatali, Selina Griffin at Steph Razon.

“Para naman may iba sa ating Saturday viewing. Parang noong 80’s and 90’s lang na may venue to showcase their talents ang mga bagong sibol na artista,” sey ng isang top executive ng TV5 at MediaQuest, ang umbrella company na may hawak ng mga talents na nabanggit.

Naka-focus sa mga OPM songs ang buong kabuuan ng show na ginawan ng twists, bagong tunog, mga areglo at mga dance steps na very “in” sa panahon ngayon ng digital media at para sa mga bagong hukbo ng manonood at supporters o mga “ka-V’s.”

Nag-iimbita ang show ng mga famous singers at artists na nakilala noong 80’s at 90’s kung saan muli nilang kinakanta ang mga awiting nagpasikat sa kanila.Kinokonek nila ito sa mga kasalukuyang nangyayari sa bayan at mga konseptong may kinalaman sa evolution ng sound and music.

Ilan sa mga famous artists na bumisita na sa show ay ay sina Pops Fernandez, Jed Madela, mga sikat na rappers noon, Jun Polistico, Thor Dulay at iba pang mga up and coming singers.

“Parang binuhay lang natin uli yung mga sikat na teen oriented shows noong araw. But this time ay maraming mga bagong twists and innovations. Angkop sa panahon at bardagulan na talaga ang husay sa hosting, sa singing and dancing. Puwedeng-puwedeng makipag-compete globally,” sey pa ng Bistado source mula sa TV5.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles