Iyan ang bahagi ng post ni Ruffa Gutierrez sa tila paglalagay niya ng “period” sa relasyon nila ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Sa kanyang socmed account ay binati ni Ruffa si Bistek (Herbert) sa ika-58 kaarawan nito.
Kasama pa nito ang isang video kung saan kumakanta ang dating pulitiko-aktor.
“Happy birthday to my mentor, former Quezon City Mayor Herbert Bautista. Wishing you continued success, happiness, and everything your heart desires,” sabi ng aktres at dating beauty queen.
Wala nang ibang detalye ang naturang post subalit puno ito ng respeto at pagmamahal ayon sa mga nakakakilala kay Ruffa.
Nagsimula ang kanilang romansa noong 2020 nang magkasama sila sa series na The House Arrest of Us, na pinagbidahan din ng ngayo’y nagkahiwalay na ding tandem na KathNiel nina Kathyrn Bernardo at Daniel Padilla.
Matagal na panahon bago napaamin si Ruffa tungkol sa relasyon nila ni Herbert na pinayagan at botong-boto pa nga ang kontrobersyal nitong ina na si Annbelle Rama at mga anak na sina Lorin at Venice.
Noong 2024 lamang ito inamin ni Ruffa sa vlog o podcast ni Karen Davila.Subalit noong 2025 sa isang panayam kay Ruffa sa show ni Kuya Boy Abunda na Fast Talk ay inamin nitong may pinagdadaanan ang kanilang relasyon. Simula daw noon ay hindi na makikita ang dalawa na magkasama o napapabalitang nag-uusap.
“Life may have taken us on different paths, but I’ll forever be grateful for the memories, for teaching me the value of education, for inspiring me to be the best version of myself, and for the friendship we continue to share. You taught me so much during the time we had together. Have the best day ever!,” bahagi pa ng post ni Ruffa.
Isa nga daw sa pinakamalahaga at painakamagandang nai-contribute ni Herbert kay Ruffa noong sila’y magka-relasyon pa ay yung nakumbinsi nga ng huli na bumalik sa pag-aaral ang aktres.
Noong 2022 nga ay nakapagtapos ng kolehiyo si Ruffa at itinuloy niya ang pagkuha ng Master’s degree sa Communication Arts sa parehong Philippine Women’s University at natapos niya din ito.
Sinubukan namang kunan ng pahayag ang aktor-pulitiko hinggil sa naging anunsyong break-up ni Ruffa gamit ang social media, subalit hindi pa ito nagbibigay ng tugon.
Matatandaang nag-lay low sa kanyang parehong karera sa showbiz at pulitika si Herbert matapos itong masangkot sa isang kaso tungkol sa pondo ng gobyerno.Subalit noong 2025 ay klinaro o na-acquit na siya ng Sandiganbayan tungkol sa usapin sa isyung graft kaugnay ng “solar power project.”


