Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

UE students, pinalagan ang bagong school uniform

Pinalagan ng maraming University of the East (UE) students ang bagong college uniform design na ilalabas ng pamantasan sa susunod na school year.

Sa Facebook post ng online campus publication na RedWire, deretsong tanong nito sa UE community: “GUSTO NIYO BA ANG BAGONG UNIFORM, UE WARRIORS?”

Palag na palag ang sagot ng marami sa comments section, lalo na sa itsura ng bagong design at sa dagdag-gastos na posibleng idulot nito sa mga estudyante.

“POV: Chef ka ng chowking sa umaga tapos ahente ka ng toyota sa hapon,” komento ng isa.

“Mukha kaming kusinero sa isang chinese restaurant sa Binondo,” hirit naman ng isa pa.

Mas seryoso naman ang reklamo ng isa pang commenter, na kinuwestiyon kung bakit kailangan pang magpalit ng uniform gayong gumagana pa naman ang kasalukuyang design.

“Bakit need pa ng ganyan? Another gastos lang, perfectly working naman yung current uniform. Alam niyo na nga nagtataas mga bilihin ngayon at same yung sweldo at marami nagsstruggle na magulang at students nakukuha niyo pa mag ganyan? Unnecessary gastos grabe kayo!” reklamo nito.

Ayon sa UE, ang bagong college uniform ay required para sa incoming freshmen sa susunod na school year.

Para naman sa upperclassmen, maaari silang mamili kung susunod sa bagong design o patuloy na gagamitin ang lumang uniform.

Ipinaliwanag din ng pamantasan ang proseso ng pagbili. Kailangang mag-fill out ang students ng student uniform order form sa Admissions Office o Student Affairs Office para sa Manila Campus.

Para naman sa Caloocan Campus, maaaring kumuha ng order form sa Study Area sa ground floor ng Tan Yan Kee Building.

Ayon pa sa UE, kailangang magbayad muna ang students sa University Cashier para makakuha ng collection receipt. Kailangan din ang supplier’s copy ng order form bago ma-release ang uniform.

Inatasan din ang students na ipakita sa supplier ang collection receipt at order form para ma-claim ang kanilang uniform.

Makikita ang uniform suppliers sa dating souvenir shop sa ground floor ng Dalupan Building lobby sa UE Manila, at sa Study Area sa ground floor ng TYK Building sa UE Caloocan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles