Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jane Oineza, may love advice kay Sanya Lopez

Kapwa kikay ang magandang sina Sanya Lopez at Jane Oineza nang makipag-kuwentuhan sila sa programa ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk sa GMA 7 noong Miyerkules, May 13.

Parehong bumibida sa pelikulang “Midnight Girls” sina Jane at Sanya, kasama ang batikang aktres na Jodi Sta. Maria.

Sa naturang panayam ay pinag-usapan ang napapabalitang bonggang love life ngayon ni Sanya sa isang non-showbiz guy.

At dahil masaya din naman ang buhay pag-ibig ni Jane sa aktor na si RK Bagatsing na umaabot na ngayon sa limang taon, nagbigay ito ng paalala kay Sanya na kilig na kilig at halatang in-love sa kanyang bf.

Paalala nito sa Kapuso actress, “Everyday, kailangan n’yong piliin ‘yung isa’t isa.”

“I think ano lang naman ‘yan, everyday, kailangan n’yong piliin ‘yung isa’t isa kasi may mga araw naman na hindi tayo in our best behavior,” saad pa ni Jane.

Hirit pa ni Jane na kailangan sa magka-relasyon ang maayos at constant na komunikasyon pero dapat daw lagi itong sinasamahan ng understanding.

“’Yung understanding din at times kung hindi ka 100 percent, ‘yung partner mo ‘yung magpupuno nu’n. And dapat, willing ka rin mag-understand na at times, ikaw naman ‘yun,” sabi pa ni Jane.

Sinang-ayunan naman ito ng sikat na TV host at pina-alalahanan si Sanya na e-enjoy lang ang proseso dahil wala naman daw perpektong relasyon.

Ipapalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Midnight Girls ngayong Mayo kung saan nag-shoot pa nga sila sa Japan bilang mga “hostess at dancers” na ipinagmamalaki nilang “relatable” ang story sa lahat ng nag-OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles