Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Most wanted’ sa Calabarzon, tiklo sa Cainta

Arestado ang isang Region 4A Most Wanted Person sa Cainta, Rizal noong May 11 dahil sa multiple cases ng Sexual Assault, Lascivious Conduct, at Rape, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, personnel ng Cainta Municipal Police Station ang nagsilbi ng Warrant of Arrest laban sa akusado, katuwang ang Cavite Provincial Police Office.

Nahaharap ang naarestong indibidwal sa dalawang counts ng Sexual Assault, na may piyansang P240,000.00 kada count.

Mayroon din siyang apat na counts ng Lascivious Conduct, na may total bail na P800,000.00.

Bukod dito, nahaharap din siya sa isang count ng Rape, kung saan walang inirekomendang piyansa.

Nasa kustodiya na ngayon ng Cainta Municipal Police Station ang naarestong indibidwal para sa proper disposition at legal proceedings.

Ayon sa PNP, bahagi ang operasyon ng patuloy na pagtugis sa mga wanted person, lalo na sa mga nahaharap sa kasong may kinalaman sa sexual offenses. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles