Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PBBM: Sunog sa Navotas landfill, tuluyan nang naapula

Tuluyan nang naapula ang matagal na sunog sa Navotas Sanitary Landfill, ayon kay President Ferdinand Marcos Jr. nitong Linggo ng gabi.

Inanunsyo ni Marcos ang development matapos ang ilang linggong operasyon ng gobyerno at pribadong sektor para pigilan ang paglala ng sitwasyon at protektahan ang mga residenteng malapit sa landfill.

“Tuluyan nang naapula ang sunog sa Navotas landfill,” ani Marcos sa social media post.

Ayon sa Pangulo, nagtulungan ang firefighters, local government units, environmental teams, Department of Public Works and Highways, Department of Tourism, at private firms para matiyak na hindi na lumawak ang peligro sa lugar.

Kabilang sa private firms na tumulong ang San Miguel Corporation, Prime Infrastructure, at SM Prime.

Nagpasalamat din si Marcos sa Japanese government dahil sa support at technical assistance nito sa response efforts.

Bagama’t contained na ang sunog, iginiit ng Pangulo na hindi pa tapos ang trabaho ng pamahalaan. Ipinag-utos niya sa concerned agencies na ipagpatuloy ang round-the-clock monitoring sa lugar.

Kasama sa mga ipinag-utos ang air and water quality testing, thermal scanning para matiyak na wala nang natitirang hotspots, at health monitoring para sa affected residents at responders.

“Ang pinakamahalaga ngayon ay masigurong ligtas ang ating mga kababayan at tuluyang makabalik sa normal ang mga komunidad sa paligid ng Navotas,” ani Marcos.

Ayon sa reports, methane gas mula sa nabubulok na basura ang sanhi ng sunog. Nagliyab umano ito matapos ma-expose sa uncovered waste surfaces.

Nauna nang iniulat ng Department of Environment and Natural Resources na nakaapekto ang sunog sa air quality sa ilang lugar sa Metro Manila.

Kabilang sa mga naapektuhan ang Navotas, Valenzuela, Malabon, Caloocan, Quezon City, Mandaluyong, Makati, at Manila.

Maagang Monday morning, nagsagawa ng joint inspection sa Navotas Sanitary Landfill ang Department of Public Works and Highways, Department of Transportation, at DENR.

Pinangunahan ni DPWH Secretary Vince Dizon, kasama ang national at local government officials, ang assessment sa site.

Layunin ng inspeksyon na maglatag ng permanent safeguards para maiwasan ang kaparehong insidente sa hinaharap.

Sa ngayon, nakatutok ang pamahalaan sa post-fire monitoring, pagsusuri sa kaligtasan ng hangin at tubig, at pagbabantay sa kalusugan ng mga residenteng naapektuhan ng matagal na usok mula sa landfill. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles