Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jessica Sanchez, itinodo na ang muling pagbisita sa Pilipinas

Tila itinodo na ni Jessica Sanchez ang muli niyang pagbabalik sa bansa dahil hindi lang guesting sa matagumpay na ASEAN Summit ang kanyang dinaluhan.

In fact, balitang sobra ding na-impress sa kanya ang mga delegates from other countries na inaanyayahan din siya sa mga future events nila gaya sa Brunei, South Korea at Japan.

Viral na viral din sa ngayon ang naging performance nila ng kapwa internationally renowned artist na si Sofronio Vasquez na gaya niya ay sobra ding hinangaan ng mga ASEAN Leaders-delegates.
Nagmistula nga daw nagkaroon ng instant concert ang dalawa sa closing night  ng nasabing meeting ng mga ASEAn leaders last May 8..

Last Saturday ay umupo ding hurado sa matagumpay na Tawag ng Tasnghalan ang 2025 America’s Got Talent grand winner kung saan sobra itong na-impress sa mga contestants at lalong ipinagmalaki ang mga talento ng pinoy sa pagkanta.

Then noong Sunday sa ASAP ay nag-viral naman ang duet nila ni Morissette Amon ng kanilang soon to be released collab single na ‘Stronger Than Before’ under Universal Records.

Very positive ang reception ng mga music lovers sa naturang single lalo’t bardagulan daw ito ng dalawa sa pinaka-magagaling na singers sa buong mundo.

“Walang sapawan, walang nagpabida, pantay ang exposure, magandang lumabas ang song at tunay na kantahan at hindi basta sigawan o biritan lang. Kay sarap pakinggan at classic in the making,” komento ng mga nakarinig at nakapanood ng nasabing production number.

At ngayong darating na May 16, Friday, magaganap sa Araneta Coliseum ang pinakahihintay na pagbabalik Big Dome ni Jessica.

Ang Show promoter na Wilbros Live nga ang mismong nag-anunsyo na bukod kay Jessica ay makakasama nito sa concert ang ilan sa pinaka-tanyag na mga performers sa bansa.

Nandiyan sina top comedian-host Vice Ganda, Asia’s Songbird Regine Velasquez, Mr Pure Energy Gary Valenciano, Concert King Martin Nievera, heartthrob James Reid, Asia’s Phoenix Morissette Amon, at ang The Voice Sensation Darren Espanto.

Kung hindi pa nga naman todong-todo ang mga ganyang ganap ni Jessica ay ano pa ba ang itatawag natin?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles