Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Budget airlines sa South Korea nagbawas ng 900 round-trip flights

Nagbawas ng 900 round-trip flights ang South Korean low-cost carriers habang sumisirit ang fuel prices dahil sa nagpapatuloy na conflict sa Middle East, ayon sa industry officials nitong Linggo.

Kasabay nito, nagpatupad ang ilang airlines ng unpaid leave at iba pang emergency measures.

Dumating ang flight cuts matapos tumaas ang jet fuel prices kasunod ng U.S.-Iran conflict. Dahil hindi pa final ang June schedules ng ilang airlines, inaasahang madaragdagan pa ang flight reductions.

Ang Jeju Air Co., pinakamalaking budget airline ng South Korea, ay nagbawas ng 187 round-trip international flights sa May at June. Katumbas ito ng 4 percent ng total operations nito sa routes mula Incheon, west of Seoul, papuntang Bangkok, Singapore, Da Nang, at Phu Quoc sa Vietnam. Mula late April, sinuspinde rin nito ang Vientiane route sa loob ng dalawang buwan.

Nagbawas naman ang Jin Air Co. ng 176 round-trip flights papuntang Guam at Phu Quoc hanggang end of this month. Inaasahan pa ang dagdag-bawas kapag na-finalize ang June schedule nito.

Sa full-service carriers, nagbawas ang Asiana Airlines Inc. ng 27 round-trip flights sa anim na routes, kabilang ang Phnom Penh at Istanbul, hanggang July matapos sumiklab ang Middle East conflict.

Hindi pa binabago ng Korean Air Co., pinakamalaking carrier ng South Korea, ang flight operations nito, pero mino-monitor nito ang sitwasyon sa ilalim ng emergency management system.

“Travel demand for medium- and long-haul routes has weakened due to the growing burden of fuel surcharges,” sabi ng isang airline official.

Ayon sa isa pang industry official, kailangan na ng additional refueling stops sa ilang Southeast Asian routes, habang tumaas nang malaki ang extra refueling costs dahil sa mahal na fuel.

Tumaas ng 2.5 times ang jet fuel prices mula nang magsimula ang war. Ang average Singapore jet fuel price, benchmark para sa fuel surcharges, ay umabot sa USD214.71 per barrel mula March 16 hanggang April 15, mas mataas ng 150 percent kesa dalawang buwan bago nito.

Dahil sa lumalalang business conditions, nagpatupad na ng emergency management measures ang Korean Air, Asiana Airlines, Jin Air, T’way Air Co., at iba pang airlines. T’way Air at Jeju Air ay may unpaid leave programs, habang ipinagpaliban ng Jin Air ang safety incentive payments sa employees.

Ayon sa analysts, solid ang earnings ng airlines noong first quarter, pero marami ang inaasahang malulugi sa second quarter dahil sa mahal na langis, humihinang travel demand, at mas mahinang Korean won.

Mas vulnerable ang budget airlines dahil mas mahina ang financial conditions nila kesa major carriers. Ang T’way Air ay may cash crunch matapos malugi sa dalawang sunod na taon, habang lumampas sa 3,400 percent ang debt ratio nito sa end of 2025. Ang Air Premia Co. naman ay nasa capital impairment sa end of last year, at maaaring mawalan ng operating license kung hindi ito maresolba. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles