Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3 menor de edad nasagip sa Cavite, foreign national arestado

Nasagip ang tatlong menor de edad na babae habang arestado ang isang foreign national sa joint operation ng Philippine National Police at social welfare authorities sa Naic, Cavite noong May 6.

Isinagawa ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group Cavite Provincial Field Unit, kasama ang social workers mula sa Municipal Social Welfare and Development Office at Naic Municipal Police Station, sa loob ng isang compound sa Barangay Sabang.

Inaresto ng mga awtoridad ang 41-anyos na American national na kilala sa alyas na “Ameer.” Iniulat na nasa kanyang kustodiya ang mga menor de edad at umano’y pinipigilan silang makabalik sa kanilang pamilya.

Batay sa initial investigation, may allegations din ng sexual abuse na kinasasangkutan ng mga nasagip na menor de edad at iba pang batang dating nananatili sa lugar.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng ina ng mga bata, isang overseas Filipino worker, na humingi ng tulong sa gobyerno matapos malaman ang sitwasyon ng kanyang mga anak.

Dalawa sa mga menor de edad ang naiulat na nakalabas sa compound at nakahingi ng tulong, dahilan para maisagawa ang rescue operation.

Agad itinurn over sa social welfare authorities ang mga nasagip na menor de edad para sa proper care, assessment, at intervention. Inihahanda na rin ang criminal charges laban sa suspect. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles