Sa kanyang Instagram socmed account ay muli ngang humihingi ng dasal ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
Nag-positive na naman kasi sa Covid19 virus ang kilalang personalidad habang patuloy pa rin siyang nakikipaglaban sa kanyang mga sakit na may kinalaman sa immune system.
“I’ve been sick from the time I got out of the hospital, early Sunday. Kuya Josh on Monday started to cough and sneeze last night.
“I didn’t want him to feel unwelcome and he was wearing his mask so I slept with him,” kuwento ni Kris sa kanyang IG post.
Ayon pa dito, muli daw siyang nakaramdam ng panghihina matapos ang kanyang ‘Methotrexate injectable chemotherapy treatment,’ kapagdaka’y sinundan ng fever symptoms.
Na-i-tsika din niyang ang kaibigan niyang fashion designer na si JC Buendia, na lagi ding dumadalaw sa kanya ay nagpa-test din ng Covid19, kaya’t positibong muli nga itong kumakalat sa kanila.
Bunsod nito ay muling nagpa-antigen test si Kris at muli nga siyang nag-positive sa naturang virus.
“I said sleeping is a lost luxury because of my neverending fits of evening coughing,” saad pa nito sa kanyang IG story.
Ssa halos ilang taong pakikipaglaban ni Kris sa kanyang health condition ay never siyang nakitaan ng pagsuko kaya naman hangang hanga ang lahat ng nakakakilala sa aktres host at patuloy pa rin siyang laging ipinagdarasal.


