Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

La Salle, NU naka-una sa UAAP volleyball finals

Isang panalo na lang at kampeon na sa UAAP Season 88 volleyball tournament ang De La Salle University (DLSU) Lady Spikers at National University (NU) Bulldogs.

Sa Game 1 sa Mall of Asia Arena sa Pasay nitong Miyerkules, panalo ang DLSU Lady Spikers kontra defending champion NU Lady Bulldogs, 25-23, 25-18, 25-18.

Ang panalo ang ika-15 sunod para sa mga taga-Taft Avenue sa Maynila, matapos ang 14-0 sweep sa eliminations.

Panalo rin ang men’s defending champion NU Bulldogs laban sa FEU Tamaraws, 21-25, 25-19, 21-25, 25-20, 15-8.

National University Bulldogs (Larawan mula sa The UAAP Facebook)

Magtatangka and Lady Spikers at Bulldogs na tapusin na ang mga kalaban sa Sabado sa MOA Arena pa rin.

Humabol mula sa 14-15 sa third set ang DLSU, salamat sa pagtutulungan nina Angel Canino, Shane Reterta at Amie Provido, para sa 23-15 kalamangan.

Umiskor si Chamy Maaya para sa NU, na agad sinagot ni Reterta para sa 24-16. Sablay ang serve ni Eshana Nunag para sa NU para sa katapusang point.

Noong Season 87 finals, hindi nakaporma ang Lady Spikers na winalis ng Lady Bulldogs.

Kung magwawagi, makukuha ng Lady Spikers ang ika-13 na titulo at una mula Season 85.

Ang Bulldogs ay hangad naman ang ika-anim na sunod na korona.

“The break had both pros and cons. I told the team that the stepladder format is tough because the other teams get to handle and get used to the pressure, while we’re resting. That’s their advantage — they’re already battle-tested. For us, it felt more like a tune-up, but without that same pressure,” ani La Salle coach Ramil De Jesus.

Nakamit ng Lady Spikers ang 14-0 noong Abril 19 upang makuha ang automatic finals slot. Pahinga muna sila simula noon.

Samantala, nag-stepladder semifinals pa ang Lady Bulldogs na tinalo ang University of Santo Tomas Tigresses, 20–25, 26–24, 26–24, 25–21, noong Mayo 3.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles