Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Tantya ng House leader: Sobra na sa requirement ang ‘yes votes’ para sa VP Sara impeachment

Tinataya ni Deputy Speaker Ronaldo Puno ng Antipolo City na sobra na sa 106-vote requirement ang makukuhang “yes votes” para ma-impeach si Vice President Sara Duterte sa House of Representatives, at posibleng umabot pa sa 180 ang bilang sa plenary vote sa May 11.

Dumating ang pahayag matapos makahanap ng probable cause ang House Committee on Justice sa dalawang impeachment complaints at maaprubahan ang committee report at Articles of Impeachment para sa plenary consideration. Binigyan din ng panahon ang House members para basahin ang articles at supporting evidence bago ang botohan.

Sa panayam sa dzMM nitong Huwebes ng umaga, sinabi ni Puno na matagal nang kaya ang 106 votes, kahit noong unang bahagi pa lang ng proceedings sa sufficiency in form and substance.

“…Eto na, andito na tayo, 106 madali. Noon pa 106 na yan sa tingin ko. Nung doon pa lang sa form and substance, kayang-kaya na ‘yung 106. Pero ngayon na marami pang information na lumabas, siguro lalong mas lumilinaw sa isip natin mga kababayan,” ani Puno.

Si Puno, na chair din ng National Unity Party, ay nagbigay ng silip sa bilang sa loob ng kanilang bloc. Aniya, 34 sa 55 miyembro ng NUP ang kasalukuyang sumusuporta sa impeachment matapos magsagawa ang partido ng secret-ballot straw vote.

“Nag-meeting kami nung isang araw, nag-straw vote kami, sinecret ballot ko sila. Siguro mga at the time 34 yung nag-vote ng yes,” sabi ni Puno.

Pero nilinaw niyang gumagalaw pa ang bilang dahil may ilang miyembro na absent sa straw vote at may iba pang hindi pa final ang posisyon.

“…Sa mga darating na araw mag-decision na rin siguro yan. Ako tingin ko minimum siguro mga 36 kami [in favor of impeachment],” dagdag niya.

Inilatag din ni Puno ang mas malaking bilang sa House. Batay sa kanyang pagtaya, ang major political parties pa lang ay makapagtutulak na sa bilang lampas sa constitutional threshold, at posibleng umabot sa 180 votes.

“Ako sa pananaw ko, ‘yung aming percentage sa boto ng aming partido medyo hahawig ‘yan sa percentage ng ibang partido pwera yung Lakas na mas mataas. Yung Lakas siguro kung nasa 70 sila baka 40-50 mag-yes sa kanila, baka 20 lang mag-no. Tapos sa 50 na yan, kung sa amin lagay mo sa 34-36, di 86 na yan. Kung sa NPC, 49 ang NPC ngayon, lagay mo sa 30 na lang, 100 whatever. Lampas na yan. Idagdag mo pa ‘yung PFP kahit 51 sila lagay mo kahit 35. Ganoon na ‘yan. Tapos dagdag mo ngayon mga 30 ng party-list out of kalahati. Sinasabi na lang natin kalahati na ‘yan. Andun na tayo sa 180? So ‘yan tingin ko madali ‘yung 180. Kung talagang magbago ng isip ng lahat, ‘yung mga nag-abstain, ang abstain tingin ko namumuro sa yes yan, hindi namumuro sa no. So baka mas mataas pa. Pero 180 ang nakikita ko minimum na makukuha.”

Sa kabila ng kumpiyansa sa numero, sinabi ni Puno na tuloy pa rin ang consultations, lalo na habang umuuwi ang lawmakers sa kanilang districts ngayong weekend para alamin ang public sentiment.

Ayon kay Puno, unti-unti na ring humuhupa ang emosyon sa isyu. Mas nakatutok na umano ang mga mambabatas sa ebidensyang inilatag sa proceedings.

“So may mga ganoon siguro na maapekto rin sa kanilang mga desisyon. Pero sa tinagal-tagal ng panahon medyo ‘yung initial na alam mo emotional na desisyon dito parang nawawala na. Ang mga congressman ngayon parang bugbog na sa maraming pangyayari at nag-iisip na lang talaga ng maayos tungkol sa actual mga ebidensya nakikita nila,” sabi ni Puno. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles