Nanawagan ang Makati Business Club (MBC) ng agarang reporma at mas malakas na transparency matapos lumabas ang pinakahuling Gross Domestic Product figures na nagpapakita ng lumalaking pressure sa ekonomiya.
Kabilang sa binanggit na hamon ang pagtaas ng presyo ng langis, global uncertainties, at corruption concerns na nagpapahina sa public trust at pumipigil sa mas productive na government spending.
“As the saying goes, ‘never let a good crisis go to waste,’” ani MBC chairman Edgar Chua. “We should seize this moment to implement meaningful reforms that strengthen governance, simplify and streamline processes, curb corruption, foster innovation, and build a more resilient, investment-friendly economy.”
Ayon kay Chua, kailangan ang mabilis at malinaw na aksyon ng gobyerno para mapanatili ang growth momentum ng bansa.
Dapat unahin, aniya, ang pagpapalakas ng transparency, pagpapabilis ng structural reforms, at strategic investments sa critical sectors gaya ng food security, energy security, at infrastructure.
Binigyang-diin din ni Chua ang pangangailangang lumikha ng stable at competitive environment para sa businesses at investors, lalo na sa gitna ng domestic challenges at global headwinds.
Kasama sa mga hakbang na itinulak ang pagpapalakas ng institutions, pagpapagaan ng ease of doing business, at pagtiyak ng regulatory consistency para mapalakas ang investor confidence at masuportahan ang long-term economic expansion.
Ipinapakita ng pahayag ng MBC ang pangamba ng business community na hindi sapat ang economic growth kung wala itong kasamang reporma at matibay na governance.
Ayon kay Chua, may pagkakataon ang pamahalaan na maglatag ng policies na tutugon sa agarang economic pressures at magtatayo ng mas resilient at inclusive economy para sa businesses, investors, at ordinaryong Pilipino. /Bistado


