Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Liza Soberano, achieve na achieve ang popularidad outside; may possible re-teaming with Enrique Gil?

Usapan-usapan ngayon sa online world ang pagkaka-feature ni Liza Soberano sa isang kilalang media news site sa Japan.

Ibinida kasi si Liza ngayon ng isang Japanese online media news outlet na 8and Media.

Kilalang media outlet ang 8and sa Japan na nagbabalita ng mga latest information sa entertainment and celebrities.

Bukod sa mga Japanese superstars, bet na bet din ng nasabing media outlet na mag-feature ng mga sikat na international celebrities.

Kaya naman ganun na lamang kasaya ang fans ni Liza dahil bongga at wagas ang pagbibigay ng space ng 8and Media sa ngayo’y karera ng Pinay Hollywood actress-singer.

Narito ang excerpt ng article na  inilabas ng 8and Media sa kanilang website at socmed. (In Filipino translation):

“Pumirma si Liza Soberano sa pangunahing ahensya sa US na UTA (United Talent Agency) noong 2023, na opisyal na nagbukas ng kanyang karera sa Hollywood. Nag-debut siya sa Hollywood sa pelikulang horror-comedy na “Lisa Frankenstein” noong 2024, na umani ng papuri mula sa mga kritiko. Mula 2025 pataas, patuloy siyang lumabas sa mga independent film sa US, at noong 2026, mas lumawak pa ang kanyang mga aktibidad sa pamamagitan ng mga imbitasyon sa mga international film festival at paglabas sa mga orihinal na gawa para sa mga pangunahing streaming platform. Bilang isang pambihirang talento na aktibo sa US at Pilipinas, nakakaakit siya ng atensyon mula sa pandaigdigang komunidad ng pag-arte sa Asya.”  

Samantala, mababasa rin sa comment section ng nasabing online article ang mga papuri para kay Liza mula sa mga Japanese followers ng nasabing media outlet.

Hindi naman kataka-takang makilala si Liza sa Japan lalo’t inaabangan na rin doon ang Dreamworks animated movie ng aktres na “Forgotten Island”.

Isa ring Japanese na based sa US ang isa sa sinasabing producers ng album niya na si HerOism.

Palagi rin daw spotted na kasama ni Liza together with some artists ang nasabing Japanese producer. Lalo na daw ngayon dahil mukhang may ginagawa na namang bagong proyekto ang dalawa.

And speaking of Liza, maugong ang usap-usapan na umano’y may posibilidad na muli itong gumawa ng serye dito sa bansa. 

Diumano, may mga producers na may dugong pinoy na naka-base abroad ang naniniwalang may magic at hatak pa ang tandem ng dalawa at may audience pa rin sila lalo na  sa abroad.

Kaya naman at this early ay may mga nag-iingay na nga na baka magkaroon ng re-teaming up ang tambalan nila ni Enrique Gil at muling mabuhay ang LizQuen. 

Minamanifest na ngayon ng kanilang fandom na sana nga raw ay isa itong big reunion project para sa kanilang mga idolo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles