Tuwang- tuwa at super agree si Anne Curtis sa socmed post na pumupuri sa husay ng asawang si Erwan Heussaff bilang isang content creator.
Very proud ‘wifey’ ang peg ni Anne nang i-flex at i-retweet niya ang X post na nagsasabing isa ang mister nito sa pinakamagaling na online content creator sa bansa ngayon.
“Can we all agree that Erwan Heussaff should be the best content creator on YouTube? Like he has been consistently promoting our foods, culture and people. Malapit ko na matapos lahat ng uploaded video niya. For sure, Anne Curtis is the proudest,” bahagi ng natuang socmed post na pinag-uusapan ngayon sa nasabing online community ng mga food bloggers.
Katulad ni Anne, super agree rin ang netizens sa nasabing socmed post at lahat ay puring-puri ang pagpo-promote ni Erwan ng mga pagkain at kulturang Pinoy.
Malaki nga rin daw ang naitutulong ng mister ni Anne sa turismo dahil iba’t ibang probinsya ang napi-feature nito sa mga vlog niya.
Maraming pagkakataon pa ngang kahit nahihirapan ang mga ordinaryong tao na ma-identify ang very foreign sounding name ni Erwan, hindi naman nagkakamali ang mga common tao na tawagin siyang “asawa o mister ni Anne Curtis.”
Madalas itong mangyari sa mga common places gaya ng palengke, mga pandawan o bagsakan ng mga seafood, mga gulayan at iba pa, kung saan talagang pinupuntahan at pinapasok ni Erwan para makipag-tawaran gaya ng isang ordinaryong pinoy kapag namamalengke.
Samantala, wala namang latest update sa tsikang may plano na umanong lumipat sa TV5 si Anne o bumalik sa GMA7 matapos kumalat ang balitang halos na hindi na ito napapanood araw-araw sa It’s Showtime.
Maging ang kanyang Viva Artist Agency na namamahala ng kanyang career ay wala ding inilalabas na anumang kumpirmasyon o denial sa tsikang nabanggit.
Basta for now, aligaga ang mga supporters nilang mag-asawa sa wish nilang sana daw ay masundan na ang matalino at bibong anak nilang si Dahlia.


