Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ayon sa eksperto: Down syndrome, ‘di hadlang sa produktibong buhay

Hindi hadlang ang Down syndrome sa pagbuo ng makabuluhan at produktibong buhay. 

Ito ang binigyang-diin ng mga eksperto kasabay ng paggunita saFebruary bilang National Down Syndrome Consciousness Month, na may temang “Raising Aspirations, Inclusion, Support and Empowerment for People with Down Syndrome.” 

Sa isang press conference sa Baguio City, ipinaliwanag ng mga health professional na ang Down syndrome ay isang genetic condition na dulot ng dagdag na chromosome 21, na nakaaapekto sa learning pace at physical development. Ngunit ayon sa mga eksperto, hindi ito limitasyon sa potensyal ng bata. 

Binigyang-diin nila na ang early intervention tulad ng speech therapy, occupational therapy, at developmental programs ay mahalaga upang mas mapahusay ang communication skills at independence.

Ayon sa mga espesyalista, ang suporta ng pamilya at komunidadang susi sa paglago ng bata. “Kapag nabigyan ng tamang aruga at pagkakataon, ang batang may Down syndrome ay nagkakaroon ng kakayahang matuto, magtrabaho, at makibahagi sa lipunan,” pahayag ng isang developmental expert. 

Idinagdag pa na mahalaga ang inclusive education upang maiwasan ang stigma at masanay ang bata sa social interaction.

Binanggit din ng mga advocate na patuloy ang panawagan na palawakin ang access sa therapy services at specialized care, lalona sa mga probinsya kung saan limitado ang pasilidad. Ayon sa kanila, maraming pamilya ang nahihirapan sa gastos at availability ng serbisyo, kaya kailangan ang mas malakas nasuporta mula sa pamahalaan at private sector.

Diin ng mga eksperto, ang Down syndrome ay hindi hadlang kundi isang kondisyon na kayang harapin sa tulong ng tamang gabay at empowerment. Sa ilalim ng tema ngayong taon, hinihikayat ang publiko na palakasin ang inklusyon, itaas ang pangarap, at bigyan ng mas maraming oportunidad ang mga taong may Down syndrome. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles