Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Issa Pressman, nanopla sa buntis isyu, niresbakan

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa online world ang trending photo nina James Reid at Issa Pressman kung saan naging kapansin-pansin ang umbok sa tiyan ng huli sa suot nitong one piece stretchable brown suit. 

At dahil sa nasabing photo, pinaghihinalaan tuloy ng netizens na baka buntis na raw si Issa. 

Pero hindi ito kinagat ng fans nina James at Issa, kaya to the rescue ang mga supporters nila. 

Talak ng fans, hindi lang daw maganda ang angle ng picture, hindi lang din naging flattering yung pagtayo na may pagyuko ni Issa sa harap ng camera.

Pero mistulang sinopla agad ni Issa ang kuda ng mga taong nagpaparatang na buntis na siya  dahil sa latest Instagram story nito ay flinex pa niya ang flat tummy habang nag-yoga kasama ang nobyo. 

“Ano ba iyan, patola namang masyado palibahasa walang karir. Ano namang masama kung nabuntis na siya ni James eh matagal na naman silang nagli-live-in? Aarte pa ba siya kung isang James Reid naman ang magiging tatay ng anak nila,” ang kantiyaw ng mga bashers sa kapatid ni Yassi.

Wala namang anumang reaksyon ang guwapong aktor na abala ngayon sa taping ng ginagawa nitong series kasama si Kathryn Bernardo.

Sey tuloy ng mga faney, “they need that kind of publicity because mga has been na sila. Nobody seems to give them attention unlike before na lagi silang pinag-uusapan. Ang lupit ng showbiz noh.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles